Advertisers
Tiniyak ng pamunuan ng Phil. Reclamation Authority (PRA) na gumagawa na sila ng karampatang hakbang hinggil sa mga problema sa mga reklmasyon sa Manila Bay.
Sa mga isinagawa pag-aaral ng UP Marine Science Institute (UPMSI) na isinumite kay Secretary Toni Yulo-Loyzaga, na sinabing kasalukuyang tinutugunan na ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang mga hamong ito.
Ayon kay PRA Chairman Alex Lopez, na mahalagang maitala ang nabanggit na mga pagsubok ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa reklamasyon sa bansa at kasalukuyan ng ginagawan ng solusyon ng kanilang tanggapan.
Dagdag pa ni Lopez na aktibo sila sa kanilang trabaho para masolusyunan ang mga pagsubok na ito kung saan mabibigyan ng oportunidad hindi lang ang mga magsasaka, kung hindi sa mas malawak pang benipisyo ng buong bansa.
Matatandaang naglabas ng pahayag ang DENR kung saan base umano sa pag-aaral ng UP, nakakaapekto sa kamaynilaan ang mga on going reclamation project sa Manila Bay.
“Aktibong na kaming nagsisikap na malampasan ang mga hadlang na ito upang lumikha ng mga pagkakataon hindi lamang para sa aming mga mangingisda, ngunit para sa mas malawak na benepisyo ng buong bansa,” pahayag ni Atty. Lopez.