Advertisers

Advertisers

AGUILAR INENDORSO NI TULFO , VILLAR ‘TABLADO’ SA LAS PIÑAS

0 19

Advertisers

SA kabila ng mga banat at paninira ay lalo pang namayagpag ang leading senatorial candidate na si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo, kaya patuloy pa rin ang pagbisita nito sa ibat-ibang lugar kung saan ay mainit siyang tinanggap nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa lungsod ng Las Piñas.

Ang pagbisita ay sumasalamin sa matagal at magandang relasyon sa pagitan ni Congressman Tulfo at ng pamilya Aguilar gayundin ang patuloy na pangakong suporta sa mamamayan ng Las Pin¨as. Binigyang-din ng bise-alkalde ang malalim na nag-uugnay sa pagitan ni Cong. Tulfo at ng pamilya Aguilar.

Sa pagbabalik-tanaw ni Vice Mayor April, simula pa noong panahon ng kanyang namayapang ama na si dating Mayor Nene Aguilar, ikinonsidera ng huli na mapagkakatiwalaang kapanalig si Tulfo noong reporter pa ito ng Manila Times.



Buong-pusong pinasalamatan ng bise-alkalde si Tulfo sa hindi matatawaran nitong suporta sa maraming taon lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic na nagbigay ng lubos na tulong sa mga Las Piñeros.

Ayon sa pamilya Aguilar, si Tulfo ay itinuring nila bilang parte ng kanilang pamilya dahil sa patuloy niyang suporta sa kanilang adhikain ni Mayor Mel Aguilar sa pagseserbisyo publiko. Ang dalawang ‘public servant’ ay naging magkaibigan simula pa noong dekada 90’s

Pinuri ng kongresista ang legacy ng serbisyong naiwan ni Mayor Nene na naghatid ng positibong epekto sa Las Pin¨as at ang patuloy na tiwala ng komunidad sa liderato nito.

“Tunay sa kanyang adbokasiya na “Kakampi ng inaapi,” pahayag ni Tulfo sa muling pangakong matibay na suporta sa pamilya Aguilar at sa mamamayan ng Las Piñas.

Isang motorcade naman sa Las Piñas ang isinagawa ng kongresista kasama si Alelee Aguilar, na nagsilbing oportunidad para sa mga namumuno na kumonekta sa mga residente at pagtuon ng pansin sa mga pinagsisikapang serbisyo publiko. (JOJO SADIWA)