Advertisers

Advertisers

PNP, NBI PASOK UMANO SA PASUGAL NI JUDITH SA SANTA ROSA, LAGUNA (PART-2)

0 21

Advertisers

KUNG talagang sinsero at totoong nakiisa ang mga pulis opisyal sa lalawigan ng Laguna sa pagbabago na matagal ng minimithi at nais ng Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos na sugpuin ang korapsiyon sabwatan at katiwalian sa bansa lalong-lalo na itong mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga at illegal gambling ay tila parang walang pakialam itong sina PLtCol Benson Pimentel, chief of police Santa Rosa City, PCol Ricardo Dalmacia, Laguna provincial director at Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, regional director ng Calabarzon sa lantarang operasyon ng iligal na sugal sa perya tulad ng “color games at drop ball baraha” na pinamumugaran gabi-gabi ng mga kabataan, sugarol, adik at tulak ng droga.

Ayon reklamo mahigit tatlong taon ng dinudumog ng mga adik at sugarol ang salot at perwisyong sugal na “color games at drop ball baraha” gabi-gabi na matatagpuan sa may Tram Plaza, Balibago Santa Rosa City, Laguna na pag-aari ng kilalang gambling queen na alyas Judith.

Bukambibig umano ng gambling queen sa mga nagrereklamo na kaya hindi siya hinuhuli at pinasasara ng mga otoridad dahil kumpleto ang kanyang pakikisama sa lahat ng “unit” ng PNP hanggang sa tanggapan ni PNP Chief, Rommel Francisco Marbil sa Camp Crame maging sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) director Atty Jaime Santiago at Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.



May katwiran naman pala ang iligalistang ito, kaya pala walang nangyayari sa pangangalampag at pagbubulgar natin dahil “pasok” na pala lahat! Pesteng Yawa!
Saganang akin, lubhang nakababahala ang lantarang operasyon ng ilegal na sugal na dinudumog gabi-gabi ng mga padre de pamilya at mga kabataang edad 12-anyos pataas na tumataya ng libu-libo.

Matatandaan sa naging pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ni Santa Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling operators at mga protektor nito, ay wala pang nakukulong kahit lantad ang presensya ng iligal na sugal partikular ang kinakatawan niyang lungsod, ang Santa Rosa, Laguna.

“Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic Act 9287, ang tanong ko sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), meron na ba tayong naparusahan sa batas na ito na itinaas na natin ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling.Meron na ba tayong naipakulong.” – tanong ni Fernandez

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com