Advertisers
Sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec.Larry Gadon na dapat hindi na pansinin ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte laban sa mga naghain ng impeachment case sa kanya.
Sa Balitaan sa Tinapayan , sinabi ni Sec.Gadon na walang pakialam diyan ang SC.
Aniya, hindi rin dapat maglabas ng notice ang Korte Suprema para sagutin ng Senado sa loob ng 10 araw para magkomento sa inihaing petisyon na naglalayong mag-convene na ito at simulan ng litisin si VP Sara.
“Dapat totally i-ignore nila yan.Dapat nga totally hindi pansinin yan eh, kasi wala naman talaga– nasa constitution yang impechment, alangan namang pigilan mo yan”, pahayag pa ni Sec.Gadon nang tanungin ang kanyang reaksyon sa paghahain ng petisyon ni VP Sara sa SC kung saan naging abogado niya sa petisyon ang kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, muling inulit ni Sec.Gadon na mabuting magbitiw na lamang si Vice President Sara Duerte kung plano pa nitong tumakbo sa 2028 elections.
“I reiterate my call to VP Sara to resign ,if she really wants to run in 2028 for President as she was saying na tatakbo siya , abay mag-resign na siya ngayon”, giit ni Sec.Gadon.
Paliwanag ni Sec.Gadon, kapag siya ay nahatulan sa impeachment ay magkakaroon ng disqualification at ito ay perpetual disqualification.
“Kaya kung gusto pang tumakbo sa 2028– magresing na siya ngayon at huwag na intindihin yang impeachment”, sabi pa niya. (Jocelyn Domenden)