Mayor Honey umapela ng panalangin para sa paggaling ni Pope Francis
Advertisers
UMAPELA sa lahat ng Manileño si Mayor Honey Lacuna na lumahok sa pag-aalay ng dasal para sa mabilis at tuluyang paggaling ni Pope Francis, na dinala sa Ospital noong February 14, 2025 dahil sa bronchitis.
Ito ang ipinahayag ni Lacuna bilang suporta sa panawagan na nauna ng ginawa Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para manalangin upang patuloy na magampanan ni Pope Francis ang kanyang tungkulin ng may talino atdeterminasyon bilang lider ng Katolikong mananampalataya sa buong mundo.
Iniulat ng Holy See Press Office na Ang kundisyon ng 88-anyos na Santos Papa ay nagpapakita ng “a complex picture” at nalaman sa isinagawang tests na siya ay may bilateral pneumonia na nangangailangan ng karagdagang gamutan.
Patuloy na ini-examin sa Agostino Gemelli Polyclinic ang Santos Papa pati na ang gamitan.
Sa mga naunang resulta ng mga isinagawang tests ay nagpapakita na gumaganda na ang kundisyon ng Santo Papa. Ganun pa man ay sasailalim pa rin sa serye ng diagnostic tests ang Santos Papa upang matiyak na nakabalik na ang normal na kundisyon nito.
Sinabi ni Advincula sa isang pahayag na : “In union with the whole Church, let us pray fervently for the healing of our Holy Father, Pope Francis. Archbishop Charles John Brown, the Apostolic Nuncio to the Philippines, has made an appeal to pray for the speedy recovery of the Holy Father as well as for all the doctors and nurses who are taking care of him. ”
“In response to this call, I would like to request our parishes and communities to organize community prayers for the intention of Pope Francis, like gathering our people for a Holy Hour for the Healing of the Sick, especially of the Pope. Let us likewise offer our personal and family prayers for this intention.:et us unite ourselves in prayer in this trying time for the Church,” dagdag ni Advincula. (ANDI GARCIA)