Advertisers

Advertisers

Laban ang MPBL sa suwelduhan!

0 11

Advertisers

Sinubukan ni Coach Tim Cone maipanalo ang mga laban kontra Lebanon at Egypt sa 2nd Doha International Cup pero ayaw niya isagad tapakan ang gas pedal. Binigyan niya ng playing time ang baguhang si Kevin Quiambao at ang mga nagbabalik na sina Mason Amos at AJ Edu.

Nag-eksperimento rin siya ng iba’t-ibang kumbinasyon na lima. Mula sa starting five hanggang sa finishing unit.

Sa laro vs mga Lebanese ay lamang pa tayo nang pinagpahinga si Scottie Thompson. Kaso sunod-sunod ang error ng pagod na si Justine Brownlee kaya naabutan tayo. Masama rin shooting natin sa tres. 4 of 27 lamang.



Mas mahalaga nga naman na maging pamilyar ang mga beterano at mga bago pati returning player niya.

Tandaan na sumali sila sa torneo sa Qatar para sa paghahanda sa mga mahahalagang laban. Ito ay sa mga game kontra sa Taiwan at New Zealand na bahagi ng FIBA Asia Qualifiers.

***

Totoo ba ang balita na inaalok ng mga koponan sa 7th season ng MPBL ang mga mahuhusay at sikat na mga nanlalaro ng PBA. Ang range daw ay P400k hanggang P1.5 M. Mas mataas sa rookie max at gayon din sa mga datihan.

Mapipigilan marahil nito ang mga basketbolista mangibang-bayan nguni’t kaya ba ng mga team ma-sustain ito.



Sana maaalala natin ang sinapit ng MBA na kinumpetensya ang PBA pagdating sa sahod. Hayun tumiklop buong liga. Hindi naman kasi kumikita mga prangkisa. Suportado lang ng pulitiko sa kanikanilang mga lugar.

***

Hirap pa mag-adjust si Luka Doncic sa papel niya sa Lakers.

Sa tatlong game ay flashes of brilliance lang pero masama over-all game niya lalo sa shooting percentage niya sa tres.

Hayun isang panalo pa lang sila sa tatlong laban na. Kontra yan sa mga team na nasa dulong ibaba ng standings. Tapos dalawang laro pa ginanap sa homecourt nila sa Cryto.com Arena.

Noong talo nila sa Charlotte nitong Huwebes ay 1 out of 9 lang ang Slovenian sa rainbow country.

5 of 18 siya sa kabuuang field goals.

Abangan natin sa next game kung makabawi na.