Advertisers

Advertisers

Banggaan ng 9 sasakyan: 7 sugatan

0 19

Advertisers

Sugatang ang pitong katao nang bumangga ang isang jeepney sa siyam na sasakyan sa kahabaan ng Samson Road sa Caloocan noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay city police public information office chief Pat. Maria Magdalena Obrial, patungo sa Malabon ang jeepney nang mawalan umano ng kontrol sa gulong ang driver dahil sa brake failure.

Dahil dito, inararo ng jeepney ang isang kotse, dalawang motorsiklo, isang tricycle, dalawang bisikleta at tatlo pang jeep.



“Dalawang pedestrian din ang natamaan ng jeepney,” sabi ni Obrial.

Isa sa mga biktima isang 17-anyos na pedestrian na nagtamo ng minor injuries. Apat sa iba pa nasa ospital pa rin.

Arestado ang jeepney driver. Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property ang isasampa laban sa kanya.(Beth Samson)