Advertisers

Advertisers

PROGRAMA NG ALYANSA SA AGRIKULTURA TITIYAK NG BOTO SA DUMAGUETE – PACQUAIO

0 13

Advertisers

DUMAGUETE CITY – Sa isinagawang press conference ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas SENATORIAL SLATE sa Dumaguete city, binigyang-diin ni dating Senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kahalagahan ng pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa Negros Oriental.

Sa harap ng mga mamamahayag, inilahad niya ang kanyang programa upang matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan.

Sa isang tanong tungkol sa kanyang konkretong plano para sa agrikultura, inilahad ni Pacquiao ang kanyang PDC framework – Production, Distribution, at Consumption program – na aniya’y susi sa pagpapabuti ng sistema ng agrikultura sa bansa.



Production:
Ayon kay Pacquiao, mahalagang masukat kung sapat o kulang ang produksyon ng mga pangunahing produkto sa bansa. “Dapat nating tiyakin na may sapat tayong suplay ng pagkain upang mapanatili ang kasiguruhan sa ating pagkain,” aniya.

Distribution: Binanggit niya ang isang karanasan kung saan ang isang magsasaka ay nagbenta ng kanyang ani sa halagang P50 kada kilo, ngunit pagdating sa merkado, ito ay umaabot na sa ?300 kada kilo.

“Napagkakaitan ang mga magsasaka ng tamang kita, habang ang mga middleman ang siyang mas malaki ang kinikita. Hindi ko sinasabing alisin sila, pero kailangang magkaroon ng patas na sistema,” paliwanag niya.

Consumption:
Binigyang-diin din niya ang tamang pamamahala sa suplay ng pagkain upang maiwasan ang pananamantala sa merkado.

“Marami ang nag-iimbak ng produkto at inilalabas lang kapag mataas na ang presyo. Ang solusyon ko rito ay ang direktang pagbili ng gobyerno sa mga ani ng mga magsasaka para hindi sila matatawaran ng middleman at magkaroon ng mas maayos na kita,” dagdag ni Pacquiao.



Tungkol naman sa importasyon, sinabi niyang hindi ito masama ngunit dapat gawin ito alinsunod sa tamang kasunduan sa ibang bansa. Mas mainam aniya kung Pilipinas mismo ang mag-e-export ng produkto upang mapalakas ang ekonomiya.

Iginiit diin ni Pacquiao ang kanyang paninindigan na dapat bigyan ng mas malaking suporta ang mga magsasaka.

“Sila ang nagpapakain sa atin. Kung wala sila, wala tayong pagkain. Kaya nararapat lang na tutukan natin ang sektor”

Sinagot din ni Pacquiao ang tanong kung paano niya makukumbinsi ang mga taga Negros Oriental, lalo na’t nanguna dito si Pangulong Bongbong Marcos noong halalang 2022.

“Ang aming programa ay nakatuon sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ang aming pangunahing adbokasiya ay pagbibigay ng trabaho at hanapbuhay, pati na rin ang pagsuporta sa maliliit na negosyo para sa mga pamilyang nangangailangan. Naniniwala kami na ang isa sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang kahirapan, kaya ito ang aming bibigyang-pansin.”