Advertisers

Advertisers

PADEL PILIPINAS, APPT, MANILA OPEN AT SEN. PIA CAYETANO

0 32

Advertisers

HAHATÁW na ngayon ang kauna-unahang prestihiyosong torneong Asia Pacific Padel Tour Manila Open sa Greenfield District sa Mandaluyong City.

Ang torneong inorganisa ng Padel Pilipinas ay lalahukan ng higit 20 bansa at malaking bilang ng local paddlers kabilang na ang national team.

Ayon kay Atty Jacquelyne Gan( Padel Pilipinas Executive Director), ang naturang international tournament na suportado na ni Padel Pilipinas founder Senator Pia Cayetano mula pa nang planuhin ang torneo kaya ninais niya mang dumalo sa opening ceremonies ngayon ay di siya makarating dahil abala na sia para sa national midterm election kung saan ay isa siya sa winning relectionist senator.



Sinabi ni APPT president Carlos Carillo, bagama’t ang larangan ng Padel ay powerhouse ang Spain, kinukunsidera niyang darkhorse ang Piliinas sa men at women’s division at posibleng mahablot ang kampeonato lalo na ang atin lady padelistas.

Optimistiko naman si APPT Executive Director na matapos. ang Manila Open ay lalo pang lalakas ang padel sa Pilipinas dahil sa nakita niyang entusiyasmo sa laro ng Pinoy.

Ang tatlong araw na torneo ay masasaksihan ng mga Pilpino ang excitement ng larong magigng future Olympic sport.

Tiniyak naman ni Bryan Joshua Casao – Padel Pilipinas head coach ang sistematikong pagdaraos upang ma-accomodate ang big turnout ng local at foreign players. kaagapay si PP team captain Argiel Canizares.

Ngayon pa lang ay saludo na ang korner na ito sa APPT, Padel Pilipinas and of course SEN.PIA CAYETANO!



Tara lets kabayan at sàksihan ang biggest padel competition ini-host ng Pilipinas ngayon hanggang Linggo.. MABUHAY!

* **

ARKI JAYCEE G.CELESTIAL NOMINADO BILANG GILAS AWARDEE SA COMMERCIAL BASKETBALL*

Dahilan sa matibay na pagmamahal at adbokasiya sa larangan ng commercial basketball, nominadòna si businessman / sportsman Architect Jayzee Gudelano sa gagawaran ng rekognisyon ng GILAS Annual Awards 2025 na gaganapin sa huling bahagi ng Marso ng taong kasalukuyan.

Ito’y nagkakaisang ninomina ng GILAS awards committee dahil sa kanyang kontribusyon sa amateur -commercial na nadedeskubre para sa bigtime basketball na PBA at Gilas Pilipinas men’s basketball.

Si Arki rin ang team owner ng JC2 Slashers na sumasabak sa ibà’t-ibang liga sa Metro Manila sa minamantine ng kayang kumpanyan JC2 Architectural Studio.

Tuluy- tuloy ang pag-dribble,shoot and score ng JC2 Slashers basketball ngayong taong 2025.Hurray Arki J!