Advertisers

Advertisers

HIGIT P8.8-MILYON SHABU, NASABAT NG NCRPO SA MAKATI CITY

0 18

Advertisers

INARESTO ng mga anti-drug operatives ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong suspek at nasamsam ang PHP14.4 milyong halaga ng iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Makati, napag-alaman sa ulat kahapon.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PBGen. Anthony Aberin na ang mga suspek na may alyas na Wewel, 28, at Madam, 28, ay naaresto sa isang buy-bust operation sa isang condominium sa Barangay San Antonio, Makati City bandang 4:30 ng hapon. Miyerkules.

Nakumpiska sa kanila ang 1.3 kg. ng shabu na nagkakahalaga ng PHP8.84 milyon, mga mobile phone at buy-bust money.



Ang dalawang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Makati City Prosecutor’s Office. (JOJO SADIWA)