Advertisers

Advertisers

Django Bustamante pinangunahan ang pagsalakay ng PH sa Las Vegas Open

0 8

Advertisers

PINANGUNAHAN ni veteran cue artist Francisco “Django” Bustamante ang pagsalakay ng Pilipinas sa first round ng 2025 Las Vegas 10-Ball Open sa Rio All Suite Hotel and Casino Huwebes Pebrero 20, (Manila time).

Binigyan ng 61-year-old Bustamante nang leksyon ang Amerikanong si Bobby Garza 4-1, 4-1 wagi sa kanilang opening duel para makausad sa next round ng 128-player tournament na may alok na $37,500 katumbas ng (P2.1 million) para sa grand winner.

Ang susunod na makakalaban ng Asian Games gold medalist ay ang German na si Ralf Souquet ngayong Biyernes Pebrero 21 (Manila time).



Ang 2010 World Nine-Ball champion ay nakatakda ring sumabak sa one pocket face-off sa Sin City kung saan niya makakalaban si Tony Chohan at world champions Joshua Filler (Germany) at si Shane Van Boening (USA) para sa $10,000 (around P580,000) winner-takes-all prize.

Samantala, tatlo pang ibang Filipino ang tinalo ang kanilang kanya-kanyang karibal para samahan si Bustamante sa winning group.

Jeffrey De Luna pinatalsik ang Japan’s Masashi Myojo, 4-1, 4-1, para itakda ang laban kontra USA’s Tim Tonjum.

Mark Estiola nakaligtas sa Germany Fabian Breuer via a 4-3, 4-2 wagi at makakalaban ang Canadian Alex Pagulayan na giniba ang Puerto Rican Francisco Serran San Miguel, 4-3, 4-0.

Top-notch female pool players Chezka Centeno at Rubilen Amit ay inaasahan na pamumunuan ang Nationals sa distaff side.