Advertisers

Advertisers

Digong kabilang sa mga abogado na humaharang sa impeachment ni VP Sara

0 16

Advertisers

KABILANG si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga legal na kinatawan ni Vice President Sara Duterte sa petisyong inihain sa Supreme Court (SC) upang hadlangan ang kanyang impeachment.

Batay sa kopya ng petisyon, kabilang din sa mga abogado ni VP Sara ang kanyang biyenan na si Lucas Carpio Jr. at ang ilang pang law firm.

Naghain ng petition for certiorari and prohibition si VP Duterte noong Pebrero 18, kasama ang agarang kahilingan para sa temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction upang pigilan ang Senado sa pagsasagawa ng impeachment trial.



Hiniling din sa Korte Suprema na maglabas ng pinal na kautusan upang ipawalang-bisa ang ikaapat na impeachment complaint na inaprubahan ng Kamara noong Pebrero 5, kung saan 215 mambabatas ang lumagda sa reklamo.

Ang petisyon ni VP Duterte ay hiwalay pa sa naunang petisyong isinampa ng isang grupo ng mga abogado mula sa Mindanao noong parehong araw.