Advertisers
Ni Archie Liao
GINAGAWAN ng isyu ng kibitzers ang naging pahayag ni Derek Ramsay sa isang panayam.
Sa vlog ni Karen Davila, idinetalye niya kung bakit si Ellen Adarna ang pinili niyang pakasalan sa lahat ng babaeng na-link sa kanya.
Hirit niya, wala raw siyang naging alinlangan nang magpatali siya sa misis.
“Wala akong mahanap na doubt,” bulalas niya. “So when my mom told me, ‘We love Ellen, but why so fast?’ I said, ‘Mom, in my 40-something years, kailan ako lumapit sa’yo and told you that I’m going to marry this woman?’” dugtong niya.
Paliwanag pa niya, lahat daw ng hinahanap niya sa isang babae ay natagpuan niya kay Ellen.
“There is no doubt. She is a great mom—check. She is beautiful—check. She is loving—check.” aniya. “I know she is not after my money—check. She makes me laugh—check. But the most important thing is, I have no doubt. I have no doubt that she will not cheat on me. I have no doubt that she loves me. It’s just no doubt, ” pahabol niya.
May mga nagmamaldita namang nag-react sa hirit ng aktor na hindi pera ang habol ni Ellen nang magpakasal ito sa kanya.
Ito ang ilang reaksyon ng kibitzers.
” Kung hindi pera ang habol ni Ellen. Ibig sabihin mas mayaman siya kay Ellen. ”
“Not after his money. So, he’s richer kay Ellen?”
“Pareho silang rich but si Ellen is born rich.”
“Sey nyo, Andrea, Angelica, Solenn?”
“May red flag ba siyang nakita sa exes kaya hiniwalayan niya.”
“Wag i-interpret nang literal. Maybe he means wala silang pakialaman sa kanilang yaman.”
“Parang sampal naman ito sa kanyang exes”
“Red flag ba sa kanya ang pagiging purita mirasol?”
“This is somewhat off to his partners who are living quiet lives and have not said anything bad about him.
Sana, di na lang sana siya magsalita.”
“Maybe, he’s just misconstrued.”
“Panong she’s not after my money eh hamak namang mas mayaman si ellen sa kanya.”
“Actually, they deserve each other.”
Sa isa namang post ni Derek, idinenay niya na hiwalay na sila ni Ellen kung saan ibinandera pa niya ang fake news na na-feature online kung saan pinirmahan na umano ng kanyang misis ang kanilang annulment.
Sa lahat ng ito, nagpaalala ang aktor na huwag basta-basta maniwala sa anumang nababalita sa social media lalo na kung hindi galing mismo sa tunay na source.