Advertisers
HINILING ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Senate President Chiz Escudero na magpatawag ng caucus upang mapag-usapan at mapagdesisyunan ng lahat ng mga senador bilang isang katawan kung dapat nilang simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayon o sa Hunyo.
Ayon kay Pimentel, hindi magiging impeachment court ang pagpupulong ngunit para lang mapag-usapan ng mga senador ang naturang usapin.
Sinabi ni Pimentel na ang caucus ay magbibigay din ng pagkakataon sa mga senador na ipahayag ang kanilang posisyon sa impeachment, kabilang ang kanyang sarili na maaaring magpatuloy ang paglilitis kahit wala pang sesyon ng Kongreso.
“Because if this is really a political question, then therefore it is a legitimate political issue. Diba? For the people, “ diin ni Pimentel.
Tinukoy din niya na makikipag-ugnayan siya kay Escudero upang matutukan ng Senate president ang atensyon ng bawat senador sa nasabing usapin maging ang mga petsa at timeline ng impeachment trial na nasa pamumuno ng Senado. (Mylene Alfonso)