Advertisers

Advertisers

ANNE NAWINDANG SA BIRTHDAY PHOTO POST NI LUIS

0 17

Advertisers

Ni BETH GELENA

NA-amaze ang It’s Showtime host na si Anne Curtis nang makita ang birthday greetings ni Luis Manzano sa kanya kalakip ang teleserye nilang larawan sa pinagsamahang Kampanerang Kuba.

Natawa na lang si Anne sa larawang pinost ni Luis.



Ani Luis, “Happy Birthday, Imang @annecurtissmith.”

Ni-repost ni Anne ang picture at saka nilagyan ng capttion.

“Out of all our photos together, you just had to go and choose the worst one ‘no? Looking forward to your 50th this year, Manzano!”

Hindi man nagkikita sina Luis at Anne, ang friendship nila ay hindi nagbabago.

Nung kinasal si Anne kay Erwan Heussaff last 2017, si Luis ang kanyang bridesman at emotional niyang nabanggit sa programa noon ni Kuya Boy Abunda, “I found someone na who will take genuine care of her. And for every guy out there who has a girl friend, we know how protective one can get.”



***

ELY BUENDIA MULING NAGPALIWANAG NA HINDI PATUNGKOL ANG KANTANG SPOLIARIUM SA ISYU NINA PEPSI AT VIC SOTTO

MULING pinabulaanan ni Ely Buendia ang tsismis sa likod ng kantang “Spoliarium”

Itinanggi niya ang matagal nang haka-haka na may kaugnayan ang kantang “Spoliarium” ng Eraserheads sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Pepsi Paloma at TVJ.

Sinabi niyang walang katotohanan ang sitsit at nilinaw niyang hindi ito tungkol kina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie.

Ibinahagi rin niya na ang gintong alak sa kanta ay tumutukoy sa Goldschlager, isang tunay na alcoholic drink, at ang mga pangalang “Enteng at Joey” ay kanilang road managers noon. Naninindigan siyang hindi niya kayang sumulat ng isang kantang dudungis sa mga hinahangaan niyang artista kaya dapat nang itigil ang maling interpretasyon sa kanta.

Matatandaang Marso 2021, sa kanyang guest appearance sa Wake Up with Jim and Saab podcast, isiniwalat ni Ely na ang “Spoliarium” ay tungkol lamang sa labis na pag-inom ng alak.

Nilinaw rin niya na ang mga pangalang “Enteng at Joey” na binanggit sa kanta ay hindi tumutukoy sa mga TV hosts.

Sa kabila ng paulit-ulit na paglilinaw ni Ely, tila patuloy pa ring nabubuhay ang urban legend tungkol sa “Spoliarium.” Ngunit para sa mang-aawit, isa lamang itong walang basehang teorya na dapat nang tuluyang ibaon sa limot.

***

ALEXA UMAMIN, SI RICO BLANCO ANG DAHILAN KAYA NAPA-OO SA PROJECT

PINASOK na rin ni Alexa Ilacad ang Center Stage via Liwanag Sa Dilim.

Pinatunayan ni Alexa na siya ay isang versatile actress.

Natutuwa ang mga tagahanga ng dalaga dahil nai-aapply ng kanilang idolo ang natutunan niya noong pumasok siya sa Goin’ Bulilit

Hindi ito ang unang teatro na ginawa ng Kapamilya aktres.

Pero ito ang most thrilling one so far na kanyang ginawa.

Ani Alexa, “When they offered this to me, they didn’t tell me anything. First time ko maka-experience ng may pinitch sa iyo, pero wala akong alam about the project, my role. Nothing! Hindi ko alam ano pinapasok ko,” pakli niya sa isang panayam.

Si Rico Blanco raw ang dahilan kaya siya napa-oo sa proyekto

“Kumapit ako kay Rico Blanco. The songs of Rico Blanco. Sabi ko I really wanna sing Sir Rico Blanco’s songs so, okay, fine. Bahala na, bahala na! So ayun, nandito na ako.”

”There are points na gusto ko na mag-give up. ‘Hindi ko na ‘to kaya.’ Pero kumakapit ako sa kanila,”
“I’m thankful na nandu’n sila para sa’kin,” aniya, acknowledging that theater is as much about collective effort as it is about individual performance.