Advertisers

Advertisers

Titser nang-rape ng estudyante kulong for life

0 27

Advertisers

Kulong ang 36-anyos na guro sa pagsasamantala sa 14-anyos na estudyanteng karelasyon nito a Pasig city.

Kinilala ang suspek na guro na si alyas “Dodzman” at itinuturing na No. 2 most wanted person ng EPD at No. 3 naman sa listahan ng most wanted person ng Pasig City Police Station.

Ayon sa Eastern Police District (EPD), napag-alaman na may relasyon umano ang suspek at ang babaeng biktima ngunit sa kasawiang-palad pinagsamantalahan ng guro ang estudyante.



Una umanong nangyari ang pagsasamantala ng suspek, noong Hunyo 14, 2024 sa isang hotel sa Pasig.

Sumunod noong Hunyo 26 sa isang lodge sa Antipolo.

Nalaman lamang ng mga magulang ng estudyante ang tungkol sa bawal na relasyon ng kanilang anak at ng guro noong Agosto 2024 at agad itong ini-report sa pulisya.

Naunang nadakip ang suspek sa Iloilo City noong Pebrero 13, 2025 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasig court para sa statutory rape case na inihain laban sa kanya noong Nobyembre 5, 2024.

Habang nasa kustodiya naman ng pulisya noong Pebrero 16, inihain din sa guro ang isa pang warrant of arrest na inisyu naman ng korte sa Antipolo City noong Oktubre 9, 2024 para sa kasong rape.



Parehong walang itinakdang piyansa ang korte sa dalawang nabanggit na kaso ng guro.

Nakakulong na ang suspek sa Pasig City Police Station Custodial Facility.