Advertisers
Hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging mapagmasid at agad na isumbong sa kanilang opisina ang anumang nagaganap na pagbili at pagbenta ng mga boto ngayong national at local elections.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil na hindi sila magdadalawang isip na aarestuhin ang sinumang mahuling nagbebenta o bumibili ng ng mga boto.
Mahigpit din ang bilin nito sa mga kapulisan na palakasin ang monitoring at imbestigasyon laban sa mga nagbebenta at bumibili ng mga boto.
Tiniyak naman nito na hindi niya papalagpasin na mabigyan ng mabigat na kaparusahan kung may pulis na sangkot sa pagsawsaw sa pulitika.
Ang pahayag na ito o tawagin nating “praise release” ng PNP ay sinalubong ng sumisilakbong tawanan ng taongbayan.
Nagiging komedyante na talaga ang ating kaibigan si General Jean Fajardo,simula ng ma–promote ito bilang heneral not for her accomplishments but being blindly loyal to PNP chief Gen.Marbil.and to this rotten administration.
Palagay ba ng PNP ay may naniniwala pa sa kanila matapos ang ginawa nilang pambababoy at garapalang aksyon sa KOJC compound sa Davao City.
Ang PNP ngayon sa mata ng publiko ay isang private army na lang ng mga MARCOSES at pinamumunuan ng mga walang bayag na opisyal na walang ginawa kundi ang himurin ang puwet at tumbong ni Marcos Jr.
Mismong mga opisyales ng PNP at mga rank & file personnels ng kapulisan ang nakadarama ng nakakasukang katotohanan.
Lalo pa nga at inextend pa ng kupal na principal ni Gen.Marbil ang termino ng masunuring aso bilang hepe ng pambansang kapulisan.
Sampal ito sa iba pang magagaling at deserving officers waiting in the wings.
Dahil sipsip at sunud- sunuran na lang pala ang criteria for term extension.
Ok lang sana kung ma- extend dahil sa merito at galing ng performance.
Pero alam ng bawat kapulisan na na- extend lang ang tour of duty dahil sa pagiging matapat na aso ng mga fake tenants ng PALASYO.
Shame on you!
Ops mali,matagal na nga pala kayong mga walang HIYA!
“What goes around comes around”!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com