Advertisers
KAHIT anong sabihin ninyo, isa lang ang trajectory o direksyon ng mga batikos kay Misfit Sara. Ito’y ang tuluyan siyang alisin sa pwesto bilang pangalawang pangulo ng bansa. Hindi siya marapat manatili sa kasalukuyang poder niya sapagkat saksakan siya ng korap. Bukod diyan, wala siyang kakayahan ng magpatakbo ng bansa kung sakaling may mangyari kay BBM at siya ang humalili. Hindi rin siya dapat pagtiwalaan kahit katiting, sa totoo lang.
Ang tanong: sino ang dapat pumalit sa kanya?
Isinasaad ng Saligang Batas ng 1987 nakapag bakante ang posisyon ng bise presidente, maaaring mamili ang nakaupong pangulo mula sa hanay ng mga senador at kongresista sa Kongreso. Kailangan ang pagkumpirma ng mayorya sa Senado at Camara de Representante para opisyal na umupo ang napiling bise presidente. Paglilingkuran niya ang natitirang termino ng namatay o nasipang pangalawang pangulo, ayon sa Saligang Batas.
Sapagkat matindi ang panawagan na sipain si Misfit Sara, hindi namin nakikita na tatagal siya sa kasalukuyang pwesto bilang pangalawang pangulo. Maaaring tuluyan siyang sipain ng susunod na Kongreso – ang ika-20, kung hindi bubuuin ang Senado ng ika-19 na Kongreso bilang impeachment court.
Nahaharap sa impeachment trial si Misfit Sara dahil sa mga sakdal ng iniharap ng Camara. May pitong dahilan sa Articles of Impeachment laban sa kanyan kasama na dito ang pandarambong niya umano sa P612-M na confidential fund.
Para sa amin, si Tito Sotto ang dapat nombrahan ni BBM bilang bise presidente kapalit ni Misfit Sara. May mga natatanging katangian si Tito upang maging bise presidente sa taong ito. Kapag nahalal siya sa Mayo at maging senador sa ika-20 Kongreso, walang dapat ipangamba si BBM sa kanya. Hindi siya ambisyoso tulad ng ibang pulitiko sa Kongreso.
Patunay ang halalan noong 2022, Pumayag si Tito na tumakbo na pangalawang pangulo ni Ping Lacson. Pareho silang natalo sa tambalang BBM-Misfit Sara. Kung tutuusin, mas marapat na tumakbo sa pagka-pangulo si Tito imbes na si Ping. Pero dahil hindi siya lubhang ambisyoso, pumayag siyang pailalim kay Ping. Kung sakaling matutuloy, bise presidente siya sa loob ng dalawa at kalahating taon. Maaari siyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.
***
SANG-AYON kami sa panukala na isailalim ang mga social media platform sa isang patakaran kung saan kailangan kumuha sila ng legislative franchise mula sa Kongreso. Paraan ito upang magkaroong ng pananagutan ang mga social media platform dahil sa naglipanang fake news sa kani-kanilang platform.
Ipinanukala sa Camara na gawing requirement ng mga social media platform ang pagkuha ng legislative franchise gaya ng mga mainstream TV network. Ayon kina Kinatawan Caraps Paduano, Robert Ace Barbers, at Jose “Joboy” Aquino II – mga opisyal at miyembro ng Tri Comm na nagsisiyasat sa paglaganap ng fake news– ang pangangailangan para sa isang regulasyon kung saan maiiwasan, o magiging pinakamababa, ang maling impormasyon.
“I think it would be best if these social media platforms secure a legislative franchise in this Congress,” ang suhestiyon ni Barbers, na kumakatawan sa ikalawang distrito ng Surigao del Norte sa Mindanao, sa kanyang mga kasamahan sa Kamara. “If you are under the franchise of this Congress, then you will be subject to the regulation that will be imposed under the law,” ani Barbers, na tumutukoy sa mga social media platforms tulad ng Youtube, Facebook at marami pang iba, dahil ang mga broadcast networks ay humihingi ng pag-apruba ng kanilang franchise sa Kongreso.
Si Paduano, kinatawan ng Abang Lingkod party-list, ay nagmungkahi naman na amyendahan ang Public Service Act (Republic Act 11659), upang isama ng National Telecommunications Commission sa listahan ng “public utilities” ang mga social media platform. “I think we should amend our Public Service Act and include this in the list of public utilities. As far as I’m concerned, all the more that we have to do that,” ang alok niya, matapos aminin ng parehong Bureau of Internal Revenue na ang soc-meds ay wala sa kanilang nasasakupan dahil sa kawalan ng lokal na opisina.
“We don’t consider them (social media) public utilities because they don’t have any physical office here in the Philippines,” sagot ni NTC lawyer Kathlyn Jaylou Egipto. Sumang-ayon ang mga kinatawan ng BIR na hindi nito saklaw ang mga social media platforms na walang opisina sa Pilipinas.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Aquino, chairman ng Committee on Public Information na maaaring isailalim sa regulasyon ng Kapisanan ng mga Brodkasters sa Pilipinas at ang Movies Television Review Classification Board ang social media. “I think the KBP and MTRCB should update and upgrade so that they can help the government. I just don’t think we should just sit here idly by and allow these abuses to happen,” ang pahayag ng kongresista mula sa unang distrito ng Agusan del Norte.
Inamin ni Atty. Yves Gonzalez, pinuno ng government affairs at public policy ng Google Philippines, na hindi sila miyembro ng KBP o MTRCB. “I don’t believe so. I don’t think there’s a membership,” ang sinabi ni Gonzalez sa mga mambabatas.
***
MGA PILING SALITA: “Hindi kaya ni Rodente Marcoleta si Commodore Jay Tarriela. Hindi ma-bully ni Rodente si Tarriela. Hindi kumurap si Tarriela sa kanya.” – PL, netizen, kritiko
“It’s so disheartening no for public officials especially those who have served as our President to say these things – to threaten, I mean say na, mas madali lang sabihin na patayin na lang natin ‘yung mga Senators.”- Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong