Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PALABAS ngayon sa mga sinehan ang pelikulang “Lisik Origin Point” na tinatampukan nina Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Jeremiah Allera, and Rosemarie Smith, at may espesyal na partisipasyon ang aktor na si Ramon Christopher.
Interesting ang pelikula dahil isa itong kuwento tungkol sa mga zombie!
Tinanong namin ang first-time producer na si Dominic Orjalo kung bakit ganitong klase ng pelikula ang naisipan niyang i-produce?
“Unang-una, iyon po ang gusto ng mga kabataan, mga millennials, mga young-at-heart, di ba po?
“At tsaka yung mga zombie sa Pilipinas naman, sa movies e predictable, e.
Na hindi… na parang normal lang siya, e.
“Unlike ito kakaiba!
“Kasi gumamit kami ng mga artificial intelligence, AI. Gumamit kami ng mga CGI [computer-generated imagery], mga visual effects, kakaiba yung aming mga stunts na hindi pa nakikita sa Philippine movies,” pahayag pa ni Dominic.
Bukod sa pagiging isang producer ay negosyante rin si Dominic; pag-aari niya ang branches ng eskuwelahang Dominic Institute of Science and Technology na matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan.
Sa direksyon ni John Renz Cahilig at produced ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix, nasa “Lisik Origin Point” din sina Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Revers Quilario.
***
WALANG dudang isa si Marian Rivera sa pinaka-in demand na brand ambassadors dito sa bansa, kaya natanong ang aktres kung nabibilang pa ba niya kung ilan na ang endorsements niya.
“Bilang,” mabilis na sagot ni Marian. “Kasi lahat sila mahalaga sa akin, hindi puwedeng hindi.
“Actually, alam ni Jack yan.”
Si Jack o Jacqui Cara ang Head of Operations and Sales ng Triple A Management na siyang nangangalaga ng showbiz career ni Marian.
Pagpapatuloy pang kuwento ni Marian…
“Every time mag-e-end of the year… like last year, kailangan kong malaman kung ano yung mga endorsements ko, kasi pina-plano ko siya sa lahat ng gagawin ko at lahat yan binibigyan ko ng importansiya kasi lahat yan ginagamit ko.”
Samantala, muling pumirma si Marian ng kontrata, sa ikalawang taon, sa Luxe Beauty and Wellness Group ni Anna Magkawas bilang celebrity endorser ng Ecran De Luxe Silicon Sunscreen Gel.
Present sa contract renewal nina Marian at Anna sina Jacqui, Triple A President and CEO Mike Tuviera, at Jojo Oconer, CFO and COO ng Triple A.