Advertisers

Advertisers

Kalokohan ng Bureau of Customs

0 5,500

Advertisers

IPINANGANGALANDAKAN ng Bureau of Customs (BoC) ang pagkakakumpiska nila sa luxury cars sa mga showroom sa lungsod ng Makati, Pasay at Paranaque. Samantalang sila ang dapat imbestigahan kung paano nakalabas sa kanilang bakuran ang mga puslit na sasakyan!

Noong Biyernes, Pebrero 14, sinalakay ng mga taga-BoC kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) ang isang motor service center sa Makati City. Kinumpiska nila ang 16 luxury cars at isang high-end motorcycle na nagkakahalaga ng kabuuang P366 million!

Kinumpiska rin ng BoC sa hiwalay na operasyon nung araw na iyon ang 30 smuggled luxy vehicles ng POGO na nagkakahalaga ng P1.4 billion mula sa dalawang warehouses sa Pasay at Paranaque.



Ang tanong: Paano nakalabas ng bakuran ng BoC ang naturang smuggled vehicles at nakarating pa ito sa mga tindahan?

Ang sagot: Pinalusot sa tamang lagay! Mismo!

Oo! Hindi makalalabas ang anumang kargamento sa pier nang hindi dumadaan sa masusing mga eksaminasyon ng bawat dibisyon na naka-assign sa mga klase ng kargamento. May mga high-tech pa ngang X-Ray machine dyan para makita kung ano ang laman ng container. Right?

Kaya napakaimposible na nakalabas ng bakuran ng Customs itong smuggled luxury vehicles nang hindi manlang na-detech ng X-ray machines at ng pisikal na eksaminasyon. Tapos natunton nila nasa mga tindahan na. Animal!

Dapat siguro imbestigahan ng House Quad Committee ang dibisyon ng BoC na nagha-handle ng mga imported na sasakyan partikular itong luxury cars. Dahil siguradong may mga opisyal dyan na kumita ng milyones sa paglabas ng naturang smuggled cars at motorcycles.



Matagal nang gawain ito ng BoC. Paulit-ulit nalang ang ganitong kaso. Ang mga ni-raid nilang showrooms ay ni-raid narin nila noon, not once but many times!!! Ibig sabihin ay tumbok na nila rito ang smuggler pero nakalulusot parin sa pier ang mga kontrabando nito. Ang rason: Lagay!!!

Sa pagkakumpiska sa naturang luxury cars, dapat may mga ulo na gugulong sa BoC, Mr. President!

Tuldukan!

***

Mainit ang naging sagutan nina Philippine Coast Guard spokesman on West Philippine Sea (WPS) Jay Tarriela at senatoriable Rodante Marcoleta sa imbestigasyon ng House Tri Committee nitong Martes.

Iginiit ni Marcoleta na hindi manlang siya ipinagtanggol ni Tarriela nang upakan siya ng mga vlogger matapos niyang magsabi sa isang panayaman na ang West Philippine Sea ay gawa-gawa lamang ng gobierno.

Kungsaan sa sinabi niyang ito ay sumagot si Tarriela na isang disgrace sa partido at pagtataksil sa bansa ang ‘di pagkilala sa WPS na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Bagay na sinabihan ni Marcoleta si Tarriela na gago, mangmang, at kung ano-ano pang maaanghang na salita.

Pero ang naging sagutan nila sa social media ay si Tarriela ang kinampihan ng netizens at inatake ng vlogger si Marcoleta.

Dahil sa mga banat ng vlogger ay lalong lumabo ang tsansa ni Marcoleta na manalo pa sa pagtakbong senador.

Sabi ng ilang netizens, makabubuti kay Marcoleta na magwidro na ng kanyang kandidatura dahil masasayang lang ang kanyang pera at pagod, sa kangkungan lang daw ito pupulutin. Araguy!!!

Kayo, mga pare’t mare, iboboto n’yo ba ang katulad ni Marcoleta na obviously ay maka-China?