Advertisers

Advertisers

Jennylyn may duda nang pakasalan ni Dennis; Geneva memorable ang V- day

0 37

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MEMORABLE ang huling Valentine’s Day ni Geneva Cruz dahil sinelebreyt niya ito ng may lovelife na siya. Kinilig siya matapos makatanggap ng bouquet of flowers sa nobyong atleta.

Sa mga hindi pa nakakakilala sa bf ng singer-actress, ito ay si Dean Roxas, na member ng Philippine Brazilian Jiu-Jitsu National Team at coach ng Lucas Lepri Philippines.



Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon nang ipakilala ni Geneva si Dean sa publiko.

Hindi na nga raw inaasahan ni Geneva ang mai-inlove muli. Kaya naman limang taon din syang naging single at hindi naman naghanap.

Matagal na raw niyang kilala ang nobyo at nag-reunite lamang sila hanggang sa ma-develop sa isa’t isa.

Sey pa ng singer, “But now, I’m just really happier and grateful. He’s here and I’m very, very proud of him. He inspires me.”

Ang love nga raw parang mas dumarating pa kapag hindi mo ini-expect.



Kahit naman daw matapang si Geneva, masarap din naman daw na meron kang nasasandalan.

Sa mga nag-isip naman na nagkarelasyon sila ni Jeffrey Hidalgo dahil madalas silang magkasama sa pagta-travel, at laging magka-collab sa TikTok, paliwanag niya ay bestfriends lamang daw sila at hindi naging sila.

***

INAMIN ni Jennylyn Mercado na noong una, may duda siya sa pagpo-propose sa kanya ng kasal ng mister niya na ngayon na si Dennis Trillo, habang nagdadalang-tao siya.

Feeling kasi ni Jennylyn noon, baka raw kaya niyaya lang siyang magpakasal ni Dennis ay dahil nga buntis na siya sa una nilang anak na si Dylan

Kaya naman tinanong niya raw noon ang aktor. Sabi niya kay Dennis, “Kaya mo ba ako pakakasalan kasi buntis ako?”

Ang sagot naman daw sa kanya ng aktor ay hindi ‘yun ang dahilan. Mahal daw kasi talaga siya nito kaya gusto siyang pakasalan.

Ayon naman kay Dennis, naiintindihan naman daw niya ang mga hugot ng kanyang misis.

Pero alam naman daw nito kung gaano niya ito kamahal, dahil ipinaparamdan naman daw niya. At ang katibayan na nga na sincere ang pagmamahal niya kay Jennylyn ay nang pakasalan niya ito

Sa ngayon nga ay almost 4 years nang nagsasama bilang mag-asawa sina Dennis at Jennylyn. At going strong ang marriage nila. Never pang napabalita na on the rocks ang marriage nila.

Nagpakasal sina Jennylyn at Dennis noong November 15, 2021 at isinilang naman ang panganay nila noong May, 2022.