Advertisers
Kinumpirma ng CAAP na nag-emergency kanding ang Piper PA 38-112 Tomahawk na may RPC-1085 na isang two seater training plane nitong Miyerkoles, 9:45 ng umaga sa Barangay Lalangan, Plaridel, Bulacan.
Sa report ng PNP kinilala ang sakay ng training plane na sina Velentine Bartolome y Torre III, 50 pilot instructor, ng Almanza D9s Antipolo City at Training Pilot nito na si David John Cayaban y Cabrera 25 anyos ng 23 Mill Florez Drive Las Piñas City
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad 9:15 ng umaga ng lumipad ang eroplano.
Ayon sa piloto, bigla na lamang huminto ang makina, kaya napilitan silang mag-emergency landing sa bakanteng lote.
Samantala ligtas naman ang dalawang lulan ng two seater training plane, habang tuloy ang imbestigasyon ng CAAP sa Insidente.(Thony D. Arcenal)