Advertisers

Advertisers

DILG tinaningan ng 10 araw suspension order sina Urdaneta Mayor at Vice Mayor

0 58

Advertisers

PARA maresolba ang isyu nagbigay na ng sampung araw (10 days) na taning si DILG Secretary Jonvic Remulla upang sundin ng magpinsang Urdaneta City Mayor Julio ‘Rammy “Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno upang sundin ng mga ito ang isang taong suspension order na iginawad sa kanila ng Malakanyang kaugnay ng kasong grave abuse of authority at grave misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong January 3,2025.

Sinabi ni Secretary Remulla na solve na ang naturang issue sa loob ng sampung araw.

Kaugnay nito nakarating sa DILG na kahit na naisilbi ng DILG region 1 ang suspension order ng mga Parayno noong January 7, bago pa man ang election period noong January 12 hindi pa rin umaalis ang magpinsang Parayno sa puwesto at patuloy pa rin sa pagpasok sa kanilang trabaho bagay na ikinagalit na ng DILG sa hindi pagsunod sa kanilang suspension order.

Ayon kay Secretary Remulla naimpormahan na ng DILG ang Commission on Audit, Land Bank at lahat ng ahensiya na legally hindi na maaaring pumirma ang mga Parayno.

Sa kabila ito ng ulat na nakarating sa DILG na tuloy pa rin ang pagpirma ng mga Parayno sa mga transaksyon sa kanilang mga opisina kahit suspended na ang mga ito.

Dahil sa pagkapit tuko sa posisyon ng mga Parayno, takot at hindi tuloy makapuwesto bilang acting mayor at acting vice mayor sina first Councilor Franco del Prado at 2nd Councilor Warren Andrada.

Nabatid na si del Prado at Andrada ay inatasan na ng DILG kamakailan na pansamantalang pumalit sa puwesto ng mga Parayno habang suspendido ng isang taon sa posisyon.

Sinuspinde ang mga Parayno ng 1 taon sa puwesto ng Malakanyang nang mapatunayang guilty sa kasong grave abuse of authority at grave misconduct nang illegal na alisin sa puwesto si Punong Barangay Michael Brian Perez bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay noong 2022 at palitan ng pinapanigang indibidwal kahit labag ito sa batas.

Nabatid na ang provincial liga office lamang ang may kapangyarihang magtanggal sa puwesto ng mga liga officers.(Boy Celario)