Advertisers
UMPISAHAN ng Cignal ang kanilang title-retention bid sa Biyernes laban sa bagong salta na Alpha Insurance sa 2025 Spikers’ Turf Open Conference sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Pakay ng HD Spikers, ang kanilang ikatlong sunod na titulo kapag nakaharap ang Insurance Protectors alas 3.30 ng hapon.
Sa iba pang laban makakasagupa ng PGJC-Navy Sea Lions ang Savouge Spin Doctors ala 1 ng hapon at ang VNS-Laticrete Griffins kontra Criss Cross King Crunchers ganap na alas 6 ng hapon.
Criss Cross, runner-up nakaraang taon ay desidido na makamit ang kanilang unang championship matapos mabigo sa Cignal sa Open at Invitational finals.
“Our goal remains the same – to win our first championship. We worked on improving our consistency, as we lacked composure in crucial moments last season,” Wika ng back-to-back MVP at Criss Cross star Jude Garcia.
Cignal, ang league’s winningest squad na may walong titulo, ay may mapanganib na roster pero ang ibang team ay preparado rin at handang magbigay ng surpresa.
“This conference, Louie Ramirez and JM Ronquillo will be our biggest challenges. They’re incredibly skilled, and every team knows how difficult it is to anticipate their plays,”Wika ni Savouge skipper Tom Austria.