Advertisers

Advertisers

9 KFR kulong habambuhay

0 20

Advertisers

Hinatulan ng Quezon City Regional Trial court (QCRTC) ang 9 na miyembro ng Amolo kidnap for ransom group, ng reclusion perpetua.

Kasunod ito ng mahigit 18 taong paghahanap ng hustisya ng biktima na bank executive na si Ramon Morillo na kanilang kinidnap noong June 3, 2008 sa Quezon Avenue Quezon City.

Guilty beyond reasonable doubt ang naging desisyon ni Judge Evangeline Marigomen, ng QCRTC branch 101 sa mga akusado na kinilalang sina Florentino Amolo, Arnold Aquino, Reggie Reyes, Edgardo Hernandez, Melchor Herrera, Nino Carangan, Alven Lacandazo, Reynante Alcazar at Jocelyn Ferolino.



Aabot sa 20 hanggang 40 na taong pagkakakulong ang hatol sa mga akusado bukod pa sa kabayarang P450,000 danyos.

Matatandaan na nadakip ng mga awtoridad ang mga akusado matapos ang bayaran ng isang milyong pisong ransom sa isang mall sa Pasay City kung saan P850,000 na lamang ang nabawi ng mga awtoridad mula sa mga ito, batay pa sa ulat.