Advertisers
ISA nang ganap na batas ang isang bill nagbibigay ng tatlong taong fixed term sa commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act. No. 12122.
Pinaniniwalaang makatutulong ang batas na ito para epektibong magampanan ng commandant ang kanyang tungkulin at makapaglatag na rin ng mga mahahalagang desisyon, reporma at estratehiya na may pangmatagalang epekto sa bansa.
Layon din nitong magbigay ng katatagan sa liderato ng PCG at mas matutukan pa ang mga long-term reforms at programs sa nasabing ahensya. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)