Advertisers

Advertisers

WALANG KUWENTA KAPAG ‘ALANG MARCOLETA!

0 14

Advertisers

KABABAYAN ng korner na ito si Cong.Rodante Marcoleta pero di ko siya personal na kakilala.

Sa amin sa Tarlac, tuwing eleksiyon, wala naman akong nakikita na mga poster o parapernalya ng kandidatong nagngangalang Marcoleta kaya pati name recall ay di ko siya memorya.

Si Atty Rodante pala ang kinatawan ng SAGIP Party List na nakikita ko noon sa panahon ng kampanyang mga papel na nakadikit sa mga pader , poste at punongkahoy na madalas matabunan ng mga tàrpaulin ng mga ibang national at local candidates.



Kinatawan pala siya ng marginalized sector pero pagdating sa plenaryo ay angat siya keysa mga kinatawan ng distrito na nahalal lang dahil mapera, trapo at apelyidong pulitiko.

Bilang isang peryodista at kumokober ng beat na politics at SPORTS, unti-unti kong napapansin ang husay ng taong ito lalo na sa aspeto ng batas na angat na angat ang kanyang talino kumpara sa iba.

Napahanga ako ng mambabatas na ito noong panahon nang balitaktakan sa isyu ng isang nangungunang network sa bansa na nagresulta ng pagkawala ng prangkisa nito sa maraming kadahilanang pinagtalunan at pinagdebatehan sa plenaryo ng mababang kapulungan.

Marami pang isyung pambayan na kanyang napagwagiang legal at kanyang naSAGIP na mga mamamayang biktìma ng kaswitikan at greed ng mga nasa poder na kanyang kinontra at naipanalo ang tama at katotohanan kontra kaswapangan.

Maging nitong 19th Congress,si Marcoleta lang ang di mahawakan sa leeg ng lideratong abuso sa kapangyarihang sandata ay salapi ng sambayanang kinakawatan ng harapan at walang magawa ang mga alagad na kruk at kaHORroran sa HoR.



Ang talino ng Tarlacqueñong si Ka Rodante ay di na bagay sa lower house.

Kailangan ang isang tulad niya sa upper chamber kung saan ay cream of the crop legislators lang dapat ang naroon kesa naman sa mga komedyanteng sikat lang , action star na wala namang aksiyon , lalaking marites na puro dada lamang, mga gustong balik-sènador na wala namang nagawa noong nakapwesto at kaapelyido lang ng mga politikong tinatangkilik pa rin kahit walang alam kundi mangurakot sa kaban ng bayan.

Nakapagtataka, sa mga nilulutong surveys na mindsetting ay wala ang Marcoleta sa magic 12 at ang ibang naroroon sa winning aspirants daw ay mga retasong nasubukan na ang kakayahan na walang nagawa para sa kapakanan ng sambayanan.

Dapat ay iba naman ..iyong likas na matalino sa batas at tunay na statesman.

Sayang ang isang Marcoleta kapag di naiboto sa Senado.Minsan lang iyan darating sa isang siglo.

SAGIPin ang ating bansa na pilay nang husto sa pag-ahon kaya panahon na para iluklok nang direkta si Atty.Rodante Marcoleta!ARRIBA!!

***

Para sa reaksiyon:#09451935742