Advertisers

Advertisers

“Walang dengue outbreak sa Maynila” – Mayor Honey

0 25

Advertisers

INUTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagsasagawa ng O preemptive measures upang maiwasan ang dengue outbreak sa lungsod.

“Dahil daig ng maagap ang masipag, inatasan ko na po ang Manila Health Department, ang mga barangay officials, at ang mga ospital sa Maynila para paigtingin pa ang preventive measures kontra dengue.”

Sinabi pa ng alkalde na : “Guided by the Dengue Surveillance Report by the Manila Health Department, I have instructed the MHD and the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office to deploy additional anti-mosquito larvae (larvicide) kits to barangays where a rise in dengue cases has been observed. We also have intensified misting operations.”



Ayon pa sa alkalde, walang dengue outbreak sa Lungsod ng Maynila, as our case fatality rate stands at just 0.62%, and our attack rate is only 7.18. An attack rate of 10 to 100 per 10,000 population is considered high, particularly when sustained over time or occurring in a densely populated area.

Nabatid sa Manila Health Department na sa 897 na barangay sa Lungsod ng Maynila, 25 na barangay lang ang nakitaan ng clustering o pagdami ng mga kaso ng dengue. Karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay nasa edad 5 hanggang 39.

Pinakamaraming kaso ng dengue sa District 1, 5, at 6. Apat ang naiulat na namatay at tatlo niyan ay nakatira sa District 3. Umabot sa 51 na barangay ang kailangang ipa-misting natin as of February 14.

For context and perspective: Ang kabuuang bilang ng barangay dito sa Maynila ay 897. Ang total population ng Maynila ay nasa 1.91 million. Kaya kung ibabangga dito ang bilang ng dengue cases buong lungsod, malinaw na malayung-malayo ang Maynila “outbreak” level.

“Ligtas sa ngayon ang buong lungsod sa panganib ng dengue, ngunit hindi tayo nagpapaka-kampante. Bagkus, daragdagan pa nga natin ang mga supply ng gamot at vitamins sa mga health centers at super health centers, upang mapalakas ang resistensya ng mga residente.,” saad pa ng alkalde.



Mahigpit din ang bilin ng lady mayor sa mga health center personnel, barangay health workers, nutrition scholars, at sanitation specialists na kasama dapat sa search-and-destroy kontra lamok ang mga gulong sa mga bubong at mga lalagyan ng mga halaman. Diyan kasi naiipon ang mga tubig ulan at notoryus na pinangingitlugan ang mga dengue-carrying mosquitoes.” (ANDI GARCIA)