Advertisers

Advertisers

Shootout: Holdaper todas

0 19

Advertisers

TODAS ang isang holdaper at nakatakas ang dalawa pa nitong kasamahan nang mauwi sa shootout sa mga humabol na pulis ang panghoholdap ng mga ito sa isang gas station sa Pangantucan, Bukidnon.

Sa report ng Bukidnon Police, isang 24-anyos na lalaki na taga-Pagalungan, Maguindanao del Sur ang napatay, habang patuloy na tinutugis ang dalawa nitong nakatakas na kasamahan.

Ayon sa pulisya, 10:00 ng umaga nang holdapin ng tatlo ang GT Fuels gas station sa Brgy. Adtuyon, Pangantucan.



Nagpanggap na mga kustomer ang tatlo nang holda-pin ang 42-anyos na cashier. Mabilis na nilimas ng mga ito ang P5,000 benta ng gas station, isang iPhone 11 na nagkakahalaga ng P15,000 at tumakas lulan ng kulay abong Toyota Fortuner (GAN 8450).

Dumaan pa ang mga tumatakas na holdaper sa isang police checkpoint sa highway ng Brgy. Adtuyon, pero hindi huminto na tumahak patungong Kalilangan, Bukidnon.

Nagkaroon ng ilang minutong habulan sa pagitan ng mga holdaper at ng mga pulis, kungsaan nahulog ang sasakyan sa may kanal sa Sitio Bugwak, Brgy. Bacusanon, pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga operatiba ang mga holdaper, sanhi ng pagsawi ng isa at nakatakas ang dalawa.