Advertisers

Advertisers

RIA AT ZANJOE SINELEBREYT ANG UNANG V-DAY KASAMA SI BABY SABINO

0 13

Advertisers

Ni BETH GELENA

IBINAHAGI ni Ria Atayde ang heartwarming moments nila ni Zanjoe Marudo sa baby nilang si Baby Sabino.

Sa Instagram ni Ria ay nagpost siya ng new video nina Z at Baby Sabino.



Sa video ay makikitang nakahawak kamay ang actor sa kamay ng anak habang nakangiti sa kanya si Zanjoe.

“Best Valentine’s Day ever,” ani Ria st saka tinag ang mister.

Ito ang first time na nag celebrate ng Valentine’s day ang celebrity couple.

Ikinasal sila last March 2024 via civil wedding sa Quezon City.

After announcing her pregnancy, her brother, Arjo Atayde, penned a sweet message for the couple. “Baby is so blessed to have you as best Tito,” reply ni Ria.



Ipinanganak ni Ria si Baby Sabino last September 23.

Naalala pa ni Ria, bago niya iluwal ang kanilang baby ay ang pagiging maalalahanin nito sa kanya.

“He has never missed an appointment at the doctor.” Samantalang ang ina niyang si Sylvia Sanchez ay hindi maitago ang excitement sa pagiging grandmother sa unang apo ng Atayde family.

***

RUFA MAE MAY HEARTFELT BIRTHDAY PARA KAY ATHENA

MAY nakakaantig na birthday message si Rufa Mae Quinto para sa anak na si Athena.

Nag-celebrate ang bagets ng kanyang ika-8 kaarawan kamakailan.

Sa social media ng comedienne, sinabi niyang nagiging emotional siya over watching Athena grow up.

Ang tawag niya sa anak ay “sweet child of mine.”

Sa 8th birthday ni Athena may birthday message siya sa anak.

Sey ng komedyante, “Sweet child O’ Mine! Happy Valentine’s Day! Happy weekend! Happy 8th birthday. In 2 days birthday mo na…. Surprise!”

Wika pa niya, “Nakakaiyak pala makita na… GO GO GROWING up na you!”

“Pray pray , wish wish! Dapat matalino na ako. Gagalingan ko pa lalo ang pag aruga sa inosenteng nilalang ko sa mundong ito! In short wag na ako mang damay ng ‘Sweet child of mine’! Here she Go Go Grow!”

“Mahal na mahal kita. My Innocent baby girl Athena!”

Kamakailan lang ay very proud na flinex ni Rufa Mae sa kanyang IG account ang video ni Athena habang nagre-recite ng quote na ginawa ng aktres para sa sarili.

Malakas na binabasa ni Atena ang quote habang naka video ang bagets.

“Your skin is not a paper, don’t cut it. Your heart is not a door, don’t lock it. Your life is not a movie, so don’t end it. And remember, you are perfect, whoever you are.”

Ayon kay RMQ, ang quote ay mensahe ni Athena para sa kanila na kanyang mga magulang and all the kids out there.

Humingi muna ng permiso ang actress sa anak bago niya pinost ang video and the young girl said yes.