Advertisers
TATALAKAYIN ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng transport sector na pagtaas sa minimum jeepney fare ng hanggang sa P15.00.
Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolanos, ang naturang petisyon ay ang dati pang nakabinbin mula noong 2023 kung saan nagbigay lang ang Board ng provisional increase.
Sa taong iyon aniya, nananatili pang mataas ang presyo ng fuel at ang hini-ling na pamasahe ay P17.00.
Mula noong October 2023, ang minimum fare para sa traditional jeepney ay P13.00 habang P15.00 naman ang minimum fare para sa modern jeepney.