Advertisers

Advertisers

Pacquiao itutulak ang Production, Distribution, and Consumption (PDC) para ma-regulate ang mga basic commodity

0 13

Advertisers

Si dating Senator Manny Pacquiao, itutulak naman ang PDC o Production, Distribution, and Consumption, para aniya mas epektibong ma-regulate ang mga basic commodity.

“Magandang topic ‘yan kasi ‘yong mga kababayan natin ‘yong mga basic commodities nagrereklamo sila dahil sa mahal ng mga bilihin at mayroon akong isa-suggest na ginawang programa para sa DA, ‘yong mga programang pang-national tinatawag ito na PDC: production, distribution, and consumption,” punto ni Pacquiao.

Nilinaw ni Pacquiao na hindi siya kontra sa pag-aangkat ng pagkain pero dapat gawin ito bilang bahagi ng mga trade agreement at hindi upang punan ang kakulangan ng pagkain sa Pilipinas.



“Gusto ko enough ‘yong supply, lahat ng basic commodities para nang sa gayon ay ma-control ang presyo, magmura ang mga bilihin,” aniya.