Advertisers
MAY bagong makakalaban ang Hard-hitting bantamweight Jeremy Pacatiw ng Lions Nation MMA at siya ay isa sa tinuturing na mapanganib na katunggali.
Matapos makansela ang kanyang laban kay Ibragim Dauev ng Russsia dahil hindi pumasa sa weight limit ngayon buwan, Pacatiw ay agad nabigyan ng kontrata laban kay Enkh-Orgil Baatarkhuu sa at ONE Fight Night 29 sa Marso 8 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.
“Everything happens in God’s perfect timing. My last fight didn’t push through but I kept my focus and stayed ready,” Wika ni Pacatiw.
“Now I’m grateful for this new opportunity to compete in March against a tough Mongolian opponent. I’ll make the most of it and give my best in the circle.”
Baatarkhuu at Pacatiw ay world-rated sa no.4 and no.5 ng ONE Championship’s bantamweight division ayon sa pagkakasunod.
Baatarkhuu, 36, ay pamilyar na pangalan kabilang ang ibang Filipino mixed martial arts fans, dati niyang tinalo ang Team Lakay fighters Adonis Sevilleno, Jhanlo Sangiao, at Carlo Bumina-ang. nagwagi rin siya laban sa journeyman Rockie Bactol, at 4-0 ang rekord laban sa Filipino MMA fighters.
Ang papalarin dito sa parating na bout ay ikakakasa sa ONE bantamweight world title na kasalukuyang hawak ni Fabricio Andrade.