Daddy Bonoy Gonzaga Binigyan Ng Fabulous Surprise Party Ni Mommy Pinty At Ng Mga Kaibigan; Ang Maningning Na Thanksgiving Party Ng Luxe Beauty & Wellness Ni Ms. Anna Magkawas
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
I’M very lucky na isa ako sa mga naimbitahan sa surprise party para sa malapit sa aming birthday celebrant na si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga na mister ng Love kong si Mommy Pinty. This was held at the Garden Ballroom of Edsa Shangri-La last Feb 5.
Ang theme ay Filipiniana na pinangunahan ng Gonzaga and Soriano Family with famous Uncle Jojo (brother of Mommy Pinty). Sobrang saya ni Daddy Bonoy at lahat ng mga importanteng tao sa buhay nila ni Mommy Pinty ay dumating sa kanyang party. At may kaniya-kaniya silang kuwento about sa mga kabaitan at kabutihan ni Daddy Bonoy and Mommy Pinty. Naikuwento pa ng isa ay ang mag-asawa ang nagpaaral sa kanyang anak hanggang makatapos ito ng kolehiyo.
At dahil kilala ang Gonzaga family sa kanilang mga tiktok, hayun at masayang nakitiktok si Daddy Bonoy kay Mommy Pinty at mga anak na sina Alex at Toni Gonzaga.
Masaya itong pinagmasdan ng mga mister na sina Direk Paul Soriano at Mikee Morada na tumatakbong Vice Mayor sa bayan ng Lipa, Batangas.
So very cute ng kids nina Toni and Direk Paul na sina Seve at Poly at dumalo rin ang grandfather ni Direk Paul na famous comedian actor na si Nestor de Villa at wife nito at artistahing brother ni Direk Paul. Nagperform naman noong gabing yon si Mitoy Yonting at ang kanyang banda at ang komedyanteng si Eric Nicholas, ang nagsilbing host.
At ang bongga, iba’t ibang delicacies ang food na very Pinoy ang dessert na mga special kakanin and halo-halo. Love ko rin ang drinks na sinerve with matching favorite kong milktea from famous Happy Cup ni Mommy Pinty. Happy 70th Birthday famous vlogger and tiktoker Daddy Bonoy. More years to come!
***
GINANAP last February 8, sa Isla Ballaroom ng Edsa-Shangrila ang thanksgiving party ng LUXE BEAUTY and WELLNESS GROUP ni Ma’am Anna Magkawas. At mapapa-wow ka talaga sa bonggang selebrasyon na may theme na masquerade na lalong nagpakulay at ningning ng gabi na pinangunahan ng CEO and President ng Luxe Beauty na si Ma’am Anna.
Siyempre maliban sa mga celebrity guests na sina Alexa Ilacad at ang itinanghal na Miss Universe Philippines Muntinlupa na si Winwyn Marquez na nagpakitang gilas sa kanyang sexy dance number. Ang pinakabida siyempre sa event na ito ay ang mga Top Distributors ng Luxe Beauty. Kabilang sa nabigyan ng Loyal Awards at Pillar Excellence Award ang matagal nang city distributor na si Beatrice Paula Sy. At tumataginting na P700,000 ang ipinagkaloob na tseke sa kanya ni Ma’am Anna at husband nito. At ang pinaka winner sa lahat na Crown Distributor na 1 million ang tinanggap. Sobrang generous talaga ni Ma’am Anna Magkawas. Pinagkalooban din ng cash ang mga awardees sa Bronze Partner Award at business package.
Dumalo sa said event ang brand ambassador ng Luxe Beauty na si Kai Montinola ng PBB GEN 11, Dominic Roque, Dimples Romana, maraming social media influencers kabilang ang sexy na si Zeinab Harake. Si Ruffa Gutierrez at male partner niya ang nagsilbing mga host that night na bumaha ng food and drinks kaya enjoy lahat ang mga bisita. More success and years to come!