Brgy. 572, isa sa apat na SGLG Brgy. Passer ng DILG, pinuri ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
PINURI ni Asenso Manileño candidate for councilor sa District 4 at Liga ng mga Barangay Director ng Sampaloc District Chairman Bong Marzan ang pagkakapili ng Brgy. 572 bilang isa sa apat na barangay sa 897 barangay sa Maynila na pinarangalan bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Barangay Passer.
Ayon kay Marzan, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna, naging kaugalian na paghusayin ang pamamahala sa Lungsod ng Maynila.
Matatandaan na una ng pinarangalan at kinilala ang Maynila sa larangan ng good governance matapos itong gawaran ng 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) kung saan mismong ang lady mayor kasama si Vice Mayor Yul Servo sa tumanggap ng karangalan para sa Maynila.
At sa pagkakataong ito, apat pang barangay sa lungsod ang nabigyan ng pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG)sa kanilang mahusay na pamamahala at epektibong paglilingkod.
Kabilang sa mga pumasa sa Seal of Good Local Governance Barangay (SGLGB) ang Barangay 6, Barangay 103, Barangay 186 ng District 1 at Barangay 572. ng District 4 sa ilalim ni Chairwoman Daisy Tee
Sa kanyang maikling mensahe, sinabi ni Marzan na isang karangalan para mapabilang ang isa sa mga barangay ng Distrito 4 sa apat barangay na binigyang pagkilala ng DILG bilang SGLG Barangay passers sa taong 2024.
Umaasa si Marzan na maging ehemplo ang Brgy 572 upang pamarisan ng mga barangay sa Distrito 4 pagdating sa pamamahala o governance.
Ang mga pamantayan na sinusunod na upang mapabilang sa mga SGLGB Passers ay ang mga sumusunod:1. Safety, Peace and Order – Pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad;2. Financial Administration and Sustainability – Maayos na paggamit at pangangasiwa ng pondo ng barangay;3. Disaster Preparedness – Paghahanda at pagtugon sa sakuna at kalamidad;4. Social Protection and Sensitivity – Pagsusulong ng mga programang pangkalusugan, edukasyon, at iba pang serbisyong panlipunan;5.Business-Friendliness and Competitiveness – Pagsuporta sa mga negosyo sa komunidad at pagpapabuti ng lokal na ekonomiya;
6. Environmental Management – Pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran.
Sinabi naman ng DILG na ang SGLG Barangay ay isang sistema ng pagsusuri at pagkilala sa mga barangay na nagpapamalas ng mataas na antas ng transparency, accountability, at excellent public service. (ANDI GARCIA)