๐ ๐๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฒ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข๐ก๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ motorcade campaign ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฆ๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ง
Advertisers
HALOS dumugin ng mga Pangasinense ang isinagawang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sakay sa open top vehicle sina Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist, Actor Coco Martin at Senator Grace Poe.ย Namahagi sila ng mgaย FPJ PL t-shirt at bumati sa mga tao sa pagdaan nila sa mga bayan ng Calasiao, Dagupan at San Carlos City.
Lulan din sa motorcade campaign sina Mark Lester Patron at Hiyas Govinda Dolor, pawang 2nd at 3rd nominees ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, kasama ni Hiyas ang asawa niyang si Oriental Mindoro Governor Humerlito โBonzโ Dolor.
Pinangasiwaan ni San Carlos City Mayor Julier โAyoyโ Resuello ang grand rally sa open ground ng Barangay Roxas na isinagawa ang mga talumpati at musikal na konsiyerto.
Inendoso ni Sen. Grace Poe si senatorial bet Bam Aquino sa grand rally at nagpahayag siya ng matinding pasasalamat na inalala kung paano siya pinanindigan ni Aquino noong 2015 disqualification case na kumuwestiyon sa citizenship ni Poe.
Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist, numero tres (3) sa balota, ay nakaangkla sa mga haligi ng Food, Progress, and Justice (FPJ), na naglalayong iangat ang mga marginalized Filipino at itaguyod ang isang inklusibo, napapanatiling kinabukasan para sa bansa.