Advertisers

Advertisers

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN, NEW GAMBLING CAPITAL SA NORTE?

0 30

Advertisers

Maugong sa San Carlos City, Pangasinan ang pangalan ng isang alyas Kap Boyet na mando umano o pasimuno pagdating sa lahat ng uri ng sugal lupa sa lungsod.

Php1.3milyon kada linggo ang bigay o hatag ni Kap Boyet kay Pidlawan, isa umanong aktibong pulis, bilang payola para sa mga matataas na opisyal ng kapulisan kasama ang opisina ng butihing governor ng Pangasinan.

Talaga?



Di lang natin masabi kung paano ang hatian pero direkta umanong pinaaabot ng mag-among si Mayor Ressuela at pulis na si Pidlawan ang pera sa kapulisan at governador para lamang sa peaceful operation ng mga sugal lupa sa kanilang nasasakupan.

Hindi lang pala umano sa San Carlos City ang hawak ni Pidalawan kundi halos lahat ng distrito sa buong Pangasinan na siya ang kumukolekta.

Ayos din ang dating ni Pidlawan at mukhang kailangan mo nang magretiro para magconcentrate sa pagiging certified bagman ha!

Mas malaki ba ang kita sa pagiging kolektor kesa sa pagiging isang matinong pulis?

Nagtataka lamang tayo kung bakit ganun katibay ito kay Police Regional Director PBGen. EVANGELISTA, kaya tila walang magawa ang mga chief of police pagdating sa usaping illegal gambling.



Halos bawat brgy sa bawat bayan at syudad sa Pangasinan ay merong sugalan.

Mapapa-wow ka pala talaga pag dating sa usaping payola ehh!

Back to Php1.3M weekly ni Kap Boyet sa San Carlos City palang yan, kung ang lahat ng distrito ay saklaw ni Pidlawan gaano kalaking pera ang pumapasok kay Gen. EVANGELISTA,?

Alam kaya ng kaibigan ating si PCol.Rollyfer Capoquian ang nangyayari sa kanyang mga kapulisan o katulad din sya ng ilang opisyal na nabubukulan?

Speaking of mga kagaguhang nakakapangyari dyan sa bahagi ng tinaguriang Solid North na balwarte ng mga Marcos,naririyan na po pala ang kaharian ng mga POGO kung saan ito INILIPAT at itinatago in disguised as PIGO.

Yes po,Philippine Inland Gaming Operators sa direktang pamamahala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na isang government owned and controlled corporation ( GOCC) na pinamamahalaan ng hand- picked at personal appointee ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Yes po!

Same dog with a different collar.

From POGO to PIGO!

Direkta po at garapalang panloloko ito sa sambayanang Pilipino.

Naglunsad ng crackdown laban sa POGO dahil nagaganit daw ng mga sindikato sa large- scale scamming pero ang totoo palang layon ay agawin sa mga INTSIK ang overall operation at ilipat sa pamilya Marcos ang pamamahala.

Kunwari lang pala na PagCor ang incharged sa operation and control.

Ang crackdown naman sa e- cigarettes o vape na ginawa ng Bureau of Customs ay isa pa ring katarantaduhan para makopo at mamanipula ang sole distribution ng pagbebenta ng vapes ng kumpanya naman ni Congressman Sandro Marcos.

Kung hindi ito malinaw na ehemplo ng walang katapat na pagkagahaman at takaw sa kuwarta gamit ang posisyon sa gobyerno,di na natin alam ang ipapakahulugan at itatawag dito!

Supreme greed for money,di po ba?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com