Advertisers
Irerespeto at tatanggapin ni Angkasangga Partylist 1st nominee at Angkas CEO George Royeca ang anumang desisyon ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO).
Ginawa ni Royeca ang pahayag kasunod ng boluntaryong pag-surrender sa kanyang lisensya kasabay ng pagtiyak na handa niyang harapin ang anumang kahihinatnan at sumunod sa nararapat na proseso.
Habang hinihintay ang desisyon ng LTO, sinabi ni Royeca na nanatili silang nakatuon sa buong pananagutan para sa kanilang mga aksyon.
“I am taking full responsibility for what happened. It’s better that it’s my license that would be suspended so that our riders who committed the infraction could still continue their job for them to earn a living for their respective families,” sabi ni Royeca .
Nitong Lunes, sinuspinde ng LTO ang lisensya ni Royeca sa loob ng 90 araw.
Umani naman ng papuri ang naging aksyon ni Royeca mula sa mga netizen at sa mga miyembro ng Angkas riders sa pag-ako niya sa responsobilidad, partikular na sa mga sangkot sa kontrobersiya na nagdulot ng matinding trapiko.