Advertisers

Advertisers

P366m smuggled luxury cars kinumpiska sa showroom sa Makati

0 11

Advertisers

MAY kabuuang 17 smuggled luxury cars na humigit-kumulang P366 milyon ang halaga ang kinumpiska ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Makati City.

Sinabi ni BOC-Customs Intelligence and Investigation Service Director, Verne Enciso, na ang CIIS MICP team kasama ang Philippine Coast Guard’s Task Force Aduana, ay bumisita sa lokasyon upang maghatid ng Letter of Authority (LOA) sa may-ari o kinatawan ng tindahan.

Sa initial inventory, kabilang dito ang iba pang mamahaling sasakyan na Ferrari 488 Spider, Ferrari 812 Superfast, Porsche Targa, Mercedes-Benz G63 AMG, BMW M4, Lexus LC500, Porsche Cayenne, Bentley Bentayga, Land Rover Defender, Audi RS Q8, McLaren 720, Ford 720M Competizione, MV Agusta Brutale 1000RR motorcycle at dalawang luxury vans, Toyota Alphard.



Pansamantalang nilagyan ng mga padlock at seal ang showroom at storage facility.

Matatandaang nasamsam din ng BOC ang P1.4 bilyong halaga ng mga smuggled luxury vehicle sa Pasay City at Parañaque City noong Pebrero 13.

Nagtataka naman ang netizens kung paano nakalabas ng pier ang naturang mga sasakyan na sinasabing smuggled. Dapat daw sa pier palang ay kinumpiska na ito ng BoC.