Advertisers
NAKUPO ni Filipino pole vault ace John ‘EJ’ Obiena ang gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland Lunes (Manila time).
Mula sa seventh place finish sa Istaf Indoor meet sa Germany nakaraang Linggo, pumaibabaw si Obiena ng season-best 5.80 meters upang mangibabaw sa Copernicus Cup.
Nagsimula si Obena sa 5.50m clearance sa isang pagsubok bago nalaktawan ang 5.60 at ipukol ang isang attempt rin.
Ang tw0-time Olympian ay nakaranas ng kaguluhan sa 5.80m height, at nakalro lang ang bar sa kanyang third attempt.
Sinubukan ni Obiena na tumalon ng mas mataas pero hindi siya nagtagumpay sa 5.85m clearance.
Home bet Piotr Lisek nalagpasan ang 5.70m para magtapos second at maangkin ang silver medal.
Gayunpaman Norwegian Sondre Guttormsen nagawa ang 5.70m clearance pero natalo kay Lisek via countback, nangailangan ng dalawang attempts para maareglo ang 5.60m height na nalundag ni Guttormsen sa kanyang unang pagsubok lang.
Ito ang pangalawang gold medal ni Obiena sa 2025 season at third podium finish sa apat na tournaments.
Ranked fourth sa kanyang sports, Sinimulan ni Obiena ang taon sa silver medal finish sa International Springer- Meeting Cottbus Noong Enero 30.
Nangibabaw rin si Obiena sa Meeting Metz Moselle Athlelor sa France noong Pebrero 9 bago natalo sa kanyang indoor title sa Istaf Indoor kinabukasan.