Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGBIGAY ng pahayag si Luis Manzano tungkol sa political dynasty sa Pilipinas. Natanong kasi siya tungkol dito sa Barako Festival, na ginanap noong February 13-15.
Ang kanya kasing mommy na si Vilma Santos ay tumatakbo sa mid-term election bilang governor, samantalang siya ay bilang vice-governor at ang kapatid na si Ryan Chrsitian ay bilang congressman sa 6th district ng Lipa City.
Sabi ni Luis, “We submitted ourselves to the electoral process. Basta ang hangad namin ay ‘yung paglilingkod namin sa bawa’t Batangueno. Kung saan papunta ang mga pangarap namin sa paglilingkod, kung saan gusto naming ilagay ang puso namin, nakasalalay sa botante yun.”
Nauna rito, inamin ni Luis na apat na endorsements na niya ang nag-pull out dahil sa pagtakbo niyang vice-governor, “Marami na sa endorsements ko ang hindi na nag renew.
“Isa yun sa mga usapan namin ni Gov Vi. ‘Anak, alam ko ang industriya. The moment na mag-announce ka, maniwala ka or hindi, lahat ng endorsements mo mawawala.’
“Katunayan tatlo or apat na sa endorsements ko ang nag pull out na. Sabi ko naman naiintindihan ko naman yun.
“Sabi ni Gov. Vi, anak, mabawasan ka man ng commercial, mabawasan ka man ng endorsements, mas masarap tulog mo, dahil mas marami kang matutulungan na tao,” ani Luis.
Samantala, pinasalamatan ni Ate Vi ang organizing team sa matagumpay na BARAKO Fest 2025, sa pamumuno ng Mentorque producer na si John Bryan Diamante.
Ang 3-day event ay co-presented ng Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso, at 107 Angkas Sangga party-list.
Sey ni Ate Vi, “Teamwork, that is the magic word. Teamwork. Kahit anong galing mo, Bryan, pag hindi ka nasamahan ng iba na magagaling din, hindi tayo magiging matagumpay.
“And I think that is the magic word, teamwork. We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.
“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.
“Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas hanggang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.
“Ngayon po ay naka-focus tayo ngayon dito sa Lipa. There’ll come a time, iiikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas…
“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon iyong masasabi nating micro and at the same time, iyon talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs.
“With the present situation natin ngayon, ang isang pinakaimportante, may hanapbuhay. Tama po ba? Hanapbuhay ang number one sa atin ngayon.
“At ang isang ibinibigay ngayon ng ating Barako Fest, bukod sa binibigyan pa ho ng kaligayahan ang atin pong mga Batangueño, yung foodfest natin ay nandito,” sabi pa ni Ate Vi.
***
AWARE pala ang manager ng isang not-so-young-actor na bading ang kanyang alaga.
Ipinagtapat daw kasi ng huli sa una ang tunay niyang kasarian. Pero ang advice raw ng manager sa not-so-young actor ay huwag itong aamin na member ito ng ikatlong lahi.
Sayang daw kasi ang career niya, dahil kahit paano ay may pangalan na siyang nagawa sa showbiz industry. Mabenta pa naman daw siyang leading man. Baka kapag umamin na raw siya ay wala nang offer na dumating sa kanya o maging madalang na.
Biro pa ni manager sa kanyang alagang bading, sayang naman daw ang kanyang komisyon sa mga project ni not-so-young actor.