Advertisers
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang drivers license ng co-founder at chief operating officer (CEO) ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas na si George Royeca.
Kaugnay ito sa insidente sa Cainta, Rizal noong Pebrero 2 kung saan nakita sa nag-viral na video na hinarangan ng mga angkas rider ang daloy ng trapiko sa isang intersection upang makadaan ang kanilang convoy.
Sa isang text message, nilinaw ni LTO Chief, Assistant Secretary, Atty. Vigor Mendoza na binawi nila ang lisensiya ni Royeca matapos na aminin na siya ang nag-organisa ng motorcade.
“In the case of Angkas, na-revoke po ‘yung lisensya ni George Royeca dahil he admitted ‘yung pag-organize ng mga Angkas riders tapos nahinto ‘yung traffic sa Cainta,” ayon kay Mendoza.
Nilinaw naman ng LTO chief na suspensiyon lang at hindi revocation ng lisensiya ang kanilang ipinataw kay Royeca taliwas sa ilang ulat.
Kung maalala, mismong si Royeca ang umamin ng pagkakamali at humingi ng paumanhin sa nangyari.
Si Royeca, ay tumatakbo para sa pwesto sa Kamara sa 2025 election bilang first nominee ng ANGKASANGGA party-list.(Almar Danguilan)