Advertisers
HINDI biro ang kagaguhan na lumabas sa bibig ni Gongdi. Tulad ni Sara, nais ni Gongdi na patayin ang mga ibang kandidato sa Senado. Hindi na kami magsasalita sa obyus. Nagsalita si Sen. Risa Hontiveros sa kagaguhan ni Gongdi: “Ano raw?! Hirap na nga sa buhay (ang mga tao), tapos ang sagot ng isa diyan ay dagdag na karahasan?!”
Pero narito ang isang balita sa social media. Pakibasa:
‘Gaya ng ama, gayon din ang anak’: House leader kinondena ang pahayag ni dating Pangulong Duterte na nagbabanta ng pagpatay sa mga senador
Mariing kinondena ng isa sa 11-man prosecution panel ng Kamara sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na patayin ang mga senador upang bigyang-daan ang mga kandidato ng kanyang partido.
Sa proklamasyon ng PDP-LABAN noong Huwebes, sinabi ni Duterte, “Ngayon marami kasi sila. Ano dapat ang gawin natin? Patayin natin yung mga senador ngayon para ma-bakante. Kung makapatay tayo, tanan, mga 15 na senador. Pasok na tayo lahat.”
Binigyang-diin ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list na ang pahayag ni dating Pangulong Duterte ay katulad din sa mga naunang banta ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Liza Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na siyang pangunahing dahilan ng impeachment proceedings laban sa kanya.
“Talagang mag-ama nga sila. Si anak, nagbanta na ipapapatay ang Presidente at Speaker. Si ama naman, gusto ipapatay ang mga senador. Parang gusto nila buminggo sa lagay na ’yan,” aniya. Iginiit ni Acidre na ang hayagang pagbabanta laban sa mga opisyal ay hindi dapat balewalain at itinuturing na isang krimen sa ilalim ng batas ng Pilipinas.
Mariing kinondena ni Acidre ang pahayag ni Duterte, at sinabing ang pagbabanta ng karahasan—biro man o hindi—ay may malubhang epekto. “Hindi biro ang pagbabantang pumatay ng opisyal ng gobyearno—kahit pa sabihin nilang joke lang. Nakakatakot ‘yan kasi nagpapalaganap ng kultura ng karahasan, pinahihina ang demokrasya, at sinisira ang batas. Sa isang demokratikong bansa, inihahalal ang mga pinuno, hindi pinapatay. Kapag ang mga dating o kasalukuyang opisyal mismo ang nagbibitaw ng ganitong klaseng salita, parang sinasabi nilang okay lang gumamit ng dahas imbes na pag-usapan nang maayos ang hindi pagkakasundo,” paliwanag pa ni Acidre.
“Bukod diyan, hindi lang ito basta padalos-dalos na salita—krimen ito sa ilalim ng batas. Ang pagbabanta sa mga opisyal ng gobyerno ay maituturing na inciting to sedition o grave threats, at may kaakibat na parusa. Hindi puwedeng balewalain ito kasi nagdadala ito ng tunay na banta sa seguridad, at napipilitan ang gobyerno na gumastos ng pondo at magpakilos ng pulis at militar para tugunan ang banta, kahit pa sinasabi nilang biro lang ito,” dagdag pa ng mambabatas.
Sinabi pa ni Acidre na ang pahayag ng dating pangulo ay lalo pang magpapatibay sa articles of impeachment laban sa kanyang anak. Isa sa mga kasong isinampa sa Senado ay ang umano’y pagtataksil ni Vice President Sara Duterte sa tiwala ng publiko dahil sa mga pahayag na naglalagay sa panganib sa seguridad ng matataas na opisyal ng gobyerno. Tinutukoy sa reklamo ang isang live broadcast noong Nobyembre 23, 2024, kung saan diretsahang sinabi ni VP Duterte Duterte na may nakahandang mamamatay-tao sakaling may mangyari sa kanya. Ang naturang pahayag ay nagdulot ng pangamba sa pamahalaan at mga ahensyang pangseguridad, dahilan sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang layunin at epekto nito.
***
PABOR kami sa desisyon ng gobyerno ni BBM na manatili ang mga Typhoon Missile sa bansa upang pananggalang sa pananakop ng China sa teritoryo ng Filipinas. Huwag maniniwala sa ipinangangalandakan ni Gongdi na “mahina tayo” at “walang lakas” kontra sa pananalbahe sa atin ng Peking. Mayroon tayong pagnanasang pulitikal (political will) upang labanan ang China sa kanilang pananakop sa ilang bahagi ng ating teritoryo.
Hindi normal si Gongdi. Taksil siya bayan. Makapili. Traydor. Sarili ang inisip. Kapakanan ng China ang itinaguyod at hindi ng Filipinas. Huwag makikinig kay Gongdi. Hindi natin siya kakampi. Kalaban natin siya. Isa siyang kaaway.
***
SINUSUNDAN namin ang kampanya ng ilang kandidato sa Senado. Kahit sa mga party list group, aming sinusuyod. Sa aming pagtaya, pinakamaganda ang kampanya ng Akbayan Party List at pinakamasama ang kampanya ni Philip Salvador, isang laos na artista.
Positibo ang kampanya ng Akbayan sa lahat ng napansin namin. Nakikita namin si Chel Diokno, first nominee ng Akbayan, na inaakbayan ang ilang mamamayan bilang tanda ng respeto at pagmamahal sa kanila. Magsasaka, manggagawa, mag-aaral, propesyonal – makikita inaakbayan sila ni Diokno.
Kababoy naman ang propaganda ni Salvador. Sumasayaw lang siya. Pangit at malaswa dahil sa bukod sa malaki ang tiyan, nakakalbo, at matanda na, wala siyang ipinakita na ibang kakayahan na magandang puhunan sa Senado. Wala.
***
Email:bootsfra@yahoo.com