Ex-PACC Chairman at Bisaya Gyud Partylist nominee, pag-expose ng korupsyon, paglaban sa kriminaldidad at droga, isusulong
Advertisers
Tututukan at isusulong ng dating chairman ng Presidential Anti- Corruption Commision ang laban kontra korupsyon, illegal na droga, kreminalidad at red tape sa bansa.
Sinabi ni PACC ex-chairman Greco Belgica na first nominee ngayon ng Bisaya Gyud Partylist at sa paglulunsad ng kanilang comamnd center sa First Tondo Complex sa Velasquez ,Tondo , Maynila na maraming negosyo na sa bansa ang nagsara at nawalan ng trabaho dahil nahahadlangan ng mga kreminalidad .
Bunsod nito, hindi aniya nagiging kaaya-aya para sa negosyo o trabaho ang kapaligiran kaya nagiging dahilan din ng malaking inflation at mataas na bilihin.
Sinabi rin ni Belgica na nawala na rin ang kaayusan sa ating bansa kung saan bumabalik na naman ang droga,nakawan kung saan takot na naman ang publiko na mag-ikot-ikot sa kalsada .
Aniya labis ngayon ang korupsyon sa bansa kaya naman marami din ang mga criminal elements na pinag-uugatan kaya nagdudulot ng kahirapan .
Ito aniya ang dahilan ng kanilang pagbabalik sa pamahalaan at sa Kongreso.
“Kapag mayroon tayong puwesto sa Kongreso bilang congressman ay maririnig tayo ng gobyern at magkakaroon tayo ng kapangyarihan and exercise ang oversight functions–gumawa ng batas, gumawa ng recommendation , at mag-eexpose at magpapatanggal sa mga opisyal–mga pulis na pumapasok sa iligal na activities”, pahayag ni Belgica .
Sa pamamagitan ng Bisaya Grud Partylist , magkakaroon ng maraming trabaho, mas magandang buhay sa pagsulong ng bussiness global islands, bussiness global cities sa buong bansa.
Ayon kay Belgica, 10 command center pa ang kanilang itatayo sa tulong na rin ng kanilang mga supporters na maaring lapitan ng publiko at mahingan ng tulong.