Advertisers

Advertisers

Bakbakan ng dati at kasalukuyang pangulo: Digong vs Bongbong

0 3,288

Advertisers

PATINDI nang patindi ang bakbakan nina dating pangulo Rody Duterte at kasalukuyang presidente Bongbong Marcos.

Bagama’t hindi sila ang kandidato, sila ang nagbabatuhan ng mga brutal na salita para maipanalo ang kani-kanilang mga kandidatong senador sa halalan sa Mayo 12.

Nakasalalay kasi sa mga mananalong senador ang kapalaran ni Vice President Sara Duterte-Carpio na nahaharap sa impeachment dahil sa iba’t ibang kaso ng katiwalian partikular sa paggamit ng milyon-milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepED) na pinamuan din ng VP sa unang dalawang taon ng termino nito, at pag-utos ng patayin si BBM, kanyang First Lady at House Speaker Martin Romualdez.



Nakasalalay rin dito ang maraming isyu na ibinabato sa pamilya Duterte partikular kay Digong na nahaharap sa ‘Crimes Against Humanity’ sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga pagpatay sa umano’y pekeng ‘war om drugs’ ng nakaraang administrasyon.

Sa pag-upo kasi ng Marcos Jr. administration ay pinalayas ang mga iligal na POGO na karamihan ay pinatatakbo ng mga kriminal na Intsik na dikit kay Digong tulad nina Michael Yang na ginawa pang economic adviser ni Digong kahit isang Chinese national.

Nabuking din na sa administrasyong Duterte ay pinalaya ang mga nakapiit na Chinese drug lords sa National Bilibid Prison, at labas-pasok ng Palasyo sa Malakayang ang “drug lords” na sina Michael Yang, Peter Lim, Charlie Tan at marami pang Chinese nationals na mga wanted sa China at ibang bansa.

Kapag majority kasi ng manalong senador ay sa tiket ni Bongbong, siguradong mai-impeach ang anak ni Digong na si VP Sara, at malamang na mabuksan sa impeachment trial ang bank accounts ng mag-aamang Duterte na ayon kay dating Senador Antonio Trillanes ay naglalaman ng bilyon-bilyong piso na galing sa droga at POGOs.

Malamang din na buksan na ni Bongbong ang pintuan ng Pilipinas para sa ICC na aaresto kina Digong at kanyang mga “bata” kasama si Senador “Bato” Dela Rosa na siyang nagpatupad noon ng pekeng ‘giyera kontra droga’.



Sinasabing peke and war on drugs dahil ang pinagpapatay lamang ay ang maliliit na tulak at adik at mga kalaban sa politika ni Duterte, habang ang drug lords ay nakakalabas-pasok ng Malakanyang, ayon sa lumabas sa imbestigasyon ng House Quad Committee.

Sa mga banat ni Digong, paulit-ulit niyang isinisigaw sa mga rally ng kanyang partido na “adik na presidente” si Bongbong. Tamad daw ito at spoiled brat!

Resbak naman ni BBM, mga pinabili lang ng suka ang mga kandidato ni Digong at may bahid ng dugo at korapsyon.

Inaasahang titindi pa ang batuhan ng putik nina Digong at BBM.

***

Sabi ng ilang nag-oobserba sa takbo ng impeachment laban kay VP Sara, malamang daw na ma-impeach ito.

Anila, makabubuti kay VP Sara na mag-resign nalang para hindi na mabuklat pa ang libro ng kanyang katiwalian.

Pero ayon sa impeachment prosecutors, kahit mag-resign si VP Sara ay kailangan ituloy ang impeachment para sakaling maging ‘guilty’ ito ay hindi na makatakbo pa sa politika at hindi narin makapagtrabaho sa gobierno.

Say n’yo mga , pare’t mare?