Advertisers

Advertisers

Wanted timbog sa Valenzuela

0 102

Advertisers

Kulong ang isang nagtatagon sa batas nang masakote sa Valenzuela City.

Matagumpay na naisilbi ng mga operatiba ng pulisya na pinamumunuan ni Valenzuela police chief PCol. Nixon Cayaban ang pagkaaresto sa isang wanted sa batas sa enforcement operation ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section.

Sa ulat, nadakip ang 58-anyos , ala -1:00 ng madaling-araw sa #57 River Side, Don Pedro Street, Barangay Marulas, Valenzuela City.



Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 5(h) (4) at Section 5(h) (5) of Republic Act 9262, ( Violence against Women and their Children) na inisyu ni Hon. Evangeline S. Mendoza-Francisco, Presiding Judge of the Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City, na may petsang December 20, 2024.

Nagrekomenda ang korte ng piyansang P72,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa bawat isang kasong kinasasangkutan nito..(Beth Samson)