Advertisers
Nagsagawa ng emergency landing ang isang US Navy Aircraft matapos na magkaroon ng minor engine problem ang nasabing eroplano kahapon ng tanghali araw ng Sabado, February 15, 2025 sa Balesin Island ng Polilio, Quezon.
Ayon sa report galing ng Subic Airport ang naturang eroplano na may lulan na apat na sakay na mga sundalong amerikano at bandang 5:30 ng hapon ay naglanding din ang dalawa pang US Navy Aircraft para tingnan ang kondisyon sa makina ng kasamahang eroplano na agad namang inireport ni Barangay Chairman Robert J. Rivas, sa mga otoridad para imbestigahan ang pangyayari.
Ayon naman kay Quezon Police Provincial Director Police Colonel Ruben Lacuesta, na hanggang ngayon araw ng Linggo ay naroon pa ang tatlong eroplano at masusing iniinspeksyon ng kanilang mga aircraft mechanics at technician ang vibration na nagmumula umano sa makina ng eroplano. (Koi Laura)