Advertisers

Advertisers

Triathlon PH inilabas na ang teams para sa 2025 kumpetisyon

0 6

Advertisers

INANUNSYO ng Triathlon Philippines (TriPhil) Sabado ang opisyal na miyembro ng kanilang national teams para sa 2025.

Pamumunuan nina Southeast Asian (SEA) Games gold medalists Fernando Jose Casares Tan at Marion Kim Mangrobang ang kanya-kanyang division.

Kasanib ni Filipino-Spanish Casares sa men’s Elite at Under 23 sina Andrew Kim Remolino at Matthew Justine Hermosa ng Cebu, Joshua Alexander Ramos ng Baguio, Iñaki Emil Lorbes, Juan Miguel Tayag, at Juan Francisco Baniqued.



Kasama ni Mangrobang sa women’s Elite, Under 23, at Junior squad sina Raven Faith Alcoseba, Kira Ellis, Erika Nicole Burgos, Lady Samantha Jhunace Corpuz, at Katrina Salazar.

Sa Junior Elite Men roster ay sina Dayshaun Karl Ramos, Darell Johnson Bada, Euan Arrow Ramos, at Peter Sancho del Rosario.

John Leerams Chicano, winner ng two gold medals ng triathlon sa 2019 SEA Games, pangungunahan ang men’s team sa duathlon. Kasama niya sina Maynard Pecson, John Patrick Ciron, Irienold Reig Jr., at Franklin Yee.

Ang women’s team ay binobuo nina Merry Joy Trupa, Jena Valdez, at Bea Marie Quiambao, habang sa para-triathlon team ay sina Edison Badilla at Jake Lacaba (PTS2), Raul Angoluan (PTS3), Alex Silverio at Cedel Nemeño Abellana (PTS4), siblings Joshua at Jerome Nelmida (PTVI), S2GM Al-Shyrnel Amiladjid (guide ni Jerome Nelmida), at Bernard Cruz (guide ni Joshua Nelmida).

Nakamit ni Remolino ang kanyang dalawang sunod na titulo habang si Alcoseba na angkin ang tatlong sunod-sunod na korona sa elite sprint category ng National Age Group Triathlon (NAGT) Championships noong Enero 27.



Ang event ay ang unang qualifying race para kumita ng slot sa Philippine team para sa SEA Games sa Thailand ngayong Disyembre.

Ang national team ay nakatakda ring lumahok sa maraming international tournaments, kabilang ang Subic International Triathlon, ang final qualifying race.

“I’m training and I hope to qualify for the SEA Games this year,”Wika ng two-time SEA Games champion Casares sa interview Sabado.

Nasungkit ni Mangrobang ang kanyang third straight gold medal sa 2022 Vietnam SEA Games.

Sa 2023, ang Pilipinas ay nagwagi ng three golds, two silvers, at one bronze. . Host Cambodia, Vietnam, at Indonesia nakakuha ng tig- two gold medals.