Advertisers

Advertisers

Pulis nagsauli ng P27k na pumasok sa kanyang account

0 11

Advertisers

PINATUNAYAN ng isang pulis na mayroon paring honest at good samaritan na alahad nang batas nang isauli ni Master Sergeant Rey Daniel Cablitas ng Southern Leyte Police Provincial Mobile Force Company ang P27,000 na maling naipadala sa kanyang Maya account.

Ayon kay Cablitas, February 7, 2025, dakong 2:00 ng hapon nakatanggap siya ng money transfer notification.

Dahil hindi niya kilala ang nagpadala ng pera, naghintay ito ng ilang sandali at doon na siya kinontak ng isang guro na si Regine Pearl Templonuevo ng Southville IV Elementary School, Santa Rosa City, Laguna,



Dali-dali namang binalik ni PMSgt. Cablitas ang pera kungsaan binigyan siya ng guro ng P1,000 bilang token of appreciation, pero hindi ito tinanggap ng nasabing pulis.

Kasunod nito, binigyang pagkilala ni PNP Chief, General Rommel Francisco Marbil, si Cablitas dahil sa kanyang kabutihan at pagiging tapat.

Sumasalamin, aniya, ito sa katangian ng mga alagad ng batas na mapagkakatiwalaan at tunay na lingkod bayan.