Advertisers

Advertisers

Misis at lover huli ni mister magkasiping

0 37

Advertisers

GUMUHO ang mundo ng isang mister nang mahuling hubo’t hubad na magkasiping sa motel ang misis nito at kanyang kabit sa mismong Araw ng mga Puso sa lungsod ng Cotabato.

Sa ulat ng Cotabato City Police, ang ginang na itinago sa pangalang “Karla”, 22 anyos, ay nakipagtagpo sa kalaguyo nito na 18-taon gulang na lalaki na itinago sa pangalang “Marlon” na taga South Upi,

Maguindanao del Sur upang magdiwang ng Valentine’s day sa kanilang kataksilan.



Nabatid na naghihinala na ang mister na si alyas “Mar” sa kanyang misis dahil sa mga naririnig nitong tsismis na nanlalaki ang asawa kung kaya lihim nitong tiniktikan. Lingid sa kaalaman ng babae, nabasa ng mister ang mensahe sa cellphone nito na nagsasaad na makipagkita sa kanyang kalaguyo sa isang motel sa Cotabato City.

Dahil dito, pinigil ng na-sabing mister ang kanyang galit at mkinanmanan ang misis. Dito’y kitang-kita niya habang papasok sa motel ang misis at kalaguyo nito at panay ang lambutsingan ng dalawa.

Humingi ng tulong ang mister sa pulisya kaya naaktuhan nila ang magkalaguyo na kapwa hubo’t hubad at magkasi-ping.

Labis ding ikinagalit ng mister na isinama pa ng misis ang kanilang anak sa motel na pinatulog nito sa kabilang kuwarto habang nakikipagtalik sa kalaguyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">